Chapter 18 - Invite

1.8K 81 9
                                    

CHAPTER 18

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 18

INVITE


Sab's POV


"Dito ka maupo, Sab." Ron guided me to sit beside him but I was too busy glaring at Russell. I even crossed my arms to show him how mad I am. Muntik na tuloy akong tumama sa table, mabuti na lang ay nakita iyon ng kababata ko at nahila niya ako.


Akala ko naman kasi, meet the parents na ang eksena ngayong gabi. Naghanda ako ng bongga, sinuot ko ang bagong puff white dress ko na binili ko last week nung nag-shopping kami ni Marina tapos ay naglagay ako nang kaunting make up.

I was expecting that tonight I will have a private dinner with only him and his mother. Turns out, a few of Russell's pals are also present. Kakain daw sila ng heavy meal bago magpunta sa party ni Agatha mamaya.

Tss. Kung makapagsabi siya sa text ng 'dress nicely', akala ko naman ipapakilala niya na ako bilang one and only niya. Nangti-trip lang pala.


Russell seemed amused at my annoyed face. I caught him grinning but when he noticed my sharp eyes, he quickly looked away and pretended to watch his friends.


"Here." Nabalin ang atensyon ko kay Ron nang inilagay niya sa lap ko ang table napkin. If Marina's here, she would have teased me already.

"Thank you," sagot ko at natigil saglit. I remember how he is when we were kids. Maalaga na talaga si RJ noon pa man. I smiled because of that.

Inayos ko ang table napkin para naman magmukhang sosyal at bumagay sa fancy restaurant na ito.


My eyes lifted when I heard Agatha laughing. She's also here, at hindi na ako nagtaka. Halata namang trip niya si Russell kaya susundan niya talaga ito. She sat beside my mother-in-law and they started talking to each other about some fashion news. Hindi madalas sumasagot si Tita pero nakikipagusap pa rin naman.

Tinitigan ko sila dahil naiinggit ako. Hindi ako maka-relate kahit anong pakikinig ang gawin ko. Kung ano-anong brands at fashion designers ang topic nila.


Dinner was served and I ate quietly while Ron's trying to make a conversation with me. Nagkukwento siya tungkol sa paparating na basketball game nila.

Napapansin kong sinusulyapan ako ni Russell ngunit tuwing tinataasan ko siya ng kilay, tumitingin naman siya sa pagkain niya at umaakto na parang hindi kami nagkatinginan.


"Russ, are you going with us this sunday?" Agatha suddenly asked. Maski ang nanay ni Russell ay nagabang ng sagot.

"Sure," sagot agad niya, may hindi man lang nagtanong kung saan sila pupunta.

"See Tita? I told you he'll go."

Nagusap ulit ang dalawa kaya mas lalo kong napagtantong hindi lang basta basta kaibigan si Agatha. She's already part of Russell's family. They've known each other since they were kids so it's only natural for her to be close with his Mom.

Love Me in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon