Chapter 40 - Settled

1.6K 71 3
                                    

CHAPTER 40

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 40

SETTLED


Sab's POV


"Hubby!!!" malakas na sigaw ko nang makita ko siya sa 'di kalayuan. He's wearing his usual varsity jacket, his one hand holding the strap of his backpack.

Natigilan sila ng mga ka-teammates niya sa paglalakad nang marinig ang boses ko. I giggled and ran as fast as I could to wrap my arms around his neck. I didn't care if the whole school would see us. Sobrang saya ko kaya hindi ko na mapigilan ang emosyon ko.


"Hey love," malambing na bati niya sabay yakap sa'kin pabalik. "What's up?"

"Look at my grades!!!" Dali-dali akong kumalas sa pagkakayakap upang ipakita sa kanya ang papel na hawak ko. "I didn't get high scores like you but atleast I passed on all my subjects!!! Ahhhh!"

Nagtatalon pa ako sa saya kaya naman natawa ang mga kasamahan niya. They all congratulated me and they even clapped their hands. Mas lalo tuloy kaming pinagtinginan ng mga tao.


"I'm so proud of you," Russell smiled and kissed the top of my head before handing me back the paper.

"Thank you so much, hubby! Dahil sa pagtuturo mo sa'kin, naiintindihan ko na karamihan sa mga lessons ko. Ayun nga lang, nakakalimutan ko pa rin madalas ang mga sagot pero kumpara nung unang pasok ko dito sa Brooklyn High, masasabi kong hindi na talaga ako kulelat!"

I'm also starting to excel in all my subjects lately. Napakasipag kasi nitong nagtuturo sa akin. He never stops until I understand each lesson I have to study. And what I really love about Russell being my tutor is that he's really patient with me. Never siyang napikon sa bagal kong makaintindi.

Akala tuloy ng ilang mga prof ko ay nangongopya ako o 'di kaya ay pinagagawa ko kay Russ ang mga assignments ko pero na-prove ko naman sa kanilang, kaya kong sagutan lahat kahit ipaulit pa nila sa akin.


Russell caressed my cheek. "I didn't do much. It's all you. You worked hard for it."

I smiled widely while staring at my grades again. I just couldn't contain my happiness! For sure, matutuwa si Papa nito!


"Cap, coach is waiting for us."

Russell automatically held my hand. "Okay, let's go."

"Ay, wait lang hubby. Puntahan ko muna si Marina para masabi ko sa kanya ang good news. Habol na lang ako."

Tumango lang siya at pinaalala sa aking doon sila sa pool magpa-practice ngayon. Nakangisi ko namang pinanuod ang paglalakad niya palayo sa akin.


After his sweet post on Instagram, everything seemed to be going perfectly for the two of us. The rumor about Agatha being Russell's real girlfriend immediately died. Also, the hate comments on my social media accounts lessened day by day. Syempre mayroon pa ring mga bitter at hindi matanggap na taken ko na ang crush nila pero mas marami naman ang sumuporta sa amin.


Love Me in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon