Chapter 41 - Nervous

1.8K 88 6
                                    

CHAPTER 41

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 41

NERVOUS


Sab's POV


"Stop being so nervous," tatawa-tawang sambit ni Marina nang makita niyang nanginginig ng bahagya ang mga kamay ko.

"You remember his Mom right? What if mas bet niya pala talaga si Agatha? What if mamaya, sabihin niya sa'king hindi kami bagay ng anak niya? Mygosh M! Hindi ko kayang iwanan si Russell!"


"Lucas's mom did the same to me, remember? Napaghiwalay niya ba kami? No. I did everything that I could to show his mom that I deserve to date her son. Kaya ito, unti-onti nang lumalambot ang puso niya sa'kin. Do the same to Russell's mother. Kapag nakita niyang mahal mo talaga ang anak niya, magiging masaya rin siya para sa inyo."


I groaned and looked at the mirror again. Kanina pa ako ayos at hinihintay na lang dumating si Russell. Pero maya't-maya ko pa rin sinisiguradong okay lang ang suot at itsura ko. I want to look perfect tonight.


"Talaga bang ito na ang susuotin ko?" I walked towards my cabinet to look at all my dresses again.

"Ayos na nga 'yan. You look decent." I'm wearing a white puff dress ending above the knee. Tapos nagsuot din ako ng puting headband. Pinatungan ko ang damit ko ng beige na coat since malamig na ang panahon ngayon.


"I want to look the best."

"Hay nako, masyado ka nang nago-overthink." Hinila niya ako at pinaupo sa computer chair ko. "Now relax and wait for your boyfriend's call---Oh look, there it is."


Tiningnan ko ang cellphone ko at sinagot na ang tawag ni Russell. He said he's already outside.

"This is it." Tumayo na ako at kinuha ang maliit na body bag ko.

"Good luck!" She giggled.


Para akong sasabog sa kaba habang naglalakad papalabas ng dorm building. When I saw Russell's car, I immediately hopped in and sat at the shotgun seat.

"Wow. You look extra beautiful tonight. Kaka-in love naman lalo." He kissed my cheek and helped me with my seatbelt before he drove again.


Tahimik ko namang mine-memorize ang mga sasabihin ko sa mommy niya. Nag-ready ako kagabi kaya medyo napuyat ako. Nag-search ako online ng mga magagandang topics na pwede kong i-open up kapag kaharap ko na ang nanay niya.


"Why are you so quiet?" Hinawakan ni Russ ang kamay kong nakapatong sa lap ko kaya naman nilingon ko siya. He's also wearing a simple white shirt inside his beige coat. Nagterno talaga kami dahil 'yun ang request ko hehehe. I sent him a picture of me this afternoon para makita niya kung anong itsura ko.


Love Me in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon