Chapter 5 - Russell Riders

3.7K 134 11
                                    

CHAPTER 5

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 5

RUSSELL RIDERS


Sab's POV


"Umuwi ka na Savannah Blaire!" Inilayo ko ang cellphone ko sa tenga ko nang bigla na lang sumigaw si Papa. Highblood na naman siya. Ano bang nakakagalit sa pagsabi kong mage-enroll ako sa Brooklyn High University?


"Pa, may deal po tayo. You agreed on allowing me to stay here."

"Pero wala sa usapan ang diyan ka magaaral! You told me you're only going to visit your mother!"

"Ganoon na rin po 'yon. I have my reasons. Please papa, magandang opportunity pa nga po ito sa akin. Don't you want me to study at a prestigious school?"

"Wag mo 'ko pinapaikot, Sab. Alam kong hindi pagaaral ang nasa isip mo."


I pouted and groaned lightly.

I really need his help. Kapag hindi niya ako tinulungan ay hindi ako tatanggapin ng BHU dahil mababa ang mga grades ko. They have high standard and I'm pretty sure I fell short on that. Now I regret not studying. Kung alam ko lang na ganito ang kahahantungan ng mga bagay bagay, 'di sana nagpursigi ako para easy na lang sa akin mahabol si Russell.


"Pack your bags and---"

"I'll study harder this time, I promise. Pagbigyan mo na po ako, please! One semester, Dad. Kapag hindi po maganda result ng grades ko, ako mismo ang babalik diyan." Tumahimik siya saglit kaya napangiti ako. "Atsaka magpapakabait po ako dito. Mas safe nga po dito Papa kaysa mag-apartment kami ni Marina. They have dormitories inside the campus area."


"Bakit ba gustong gusto mong magaral diyan?"

Dahil doon nagaaral ang future son-in-law mo, Papa.


"I saw their brochure and it sparked my interest. Tsaka nagpunta na rin po kami ni M para mag-inquire. Nung naglakad lakad po kami doon, nagandahan po talaga ako. Also they have a lot of clubs that I can join----"


"Okay sige." My eyes widened in shock when my father interrupted me. Napatayo ako sa gulat kaya si Marina, naibuga ang iniinom niyang juice.

"What the heck?" she complained.

"Talaga Papa?" tuwang-tuwa na tanong ko. "Papayagan mo na po kami?!"

"I know you won't stop until you get what you want. Aabutin lang tayo ng isang araw sa telepono dahil hindi ka titigil sa pagkumbinsi sa akin."

"AHHHHHHH!" I shouted. "YEHEY! THANK YOU PAPA!"


"Huy manahimik ka nga! Nakakahiya 'to!" Pinalo ni Marina ang braso ko at pinaupo ako ulit. Lahat ng mga customers dito sa resto, nakatingin na pala sa akin.

Love Me in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon