Chapter 26 - Love

2.3K 100 29
                                    

CHAPTER 26

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 26

LOVE


Sab's POV


Nakasimangot ako habang nasa loob ng sasakyan ni Russell. Papunta kami ngayon sa isang hotel dahil doon daw ise-celebrate ang pagpasok ng Brooklyn High Tigers sa finals game. The whole team was particularly driven to defeat Ivan's side after what happened to their captain. Kaya ayon, nanalo sila at may pa-party pa ngayon.


"What's with the long face?"

I scoffed and frowned even more. Kulang na lang ay maglagay ako ng sign board sa noo ko na may nasulat na 'Don't talk to me!'.

Galit pa rin ako sa kanya dahil binabalewala niya ang ginawa sa kanya ni Ivan. Nagpa-checkup na kami sa hospital at ang sabi ng doctor ay hindi naman daw seryoso ang nangyari pero kahit na! Nasaktan pa rin siya dahil sa kabalastugan ng kapatid niya. He should be as angry as me!


"Ito naman, ang sungit sungit..." Bigla niyang hinawakan ang kaliwang kamay ko at ipinatong iyon sa may binti niya. Nawala ang kunot ng noo ko at tiningnan ko ang mga kamay namin. I quickly felt heat on my ears down to my cheeks.

"Smile ka na," paglalambing niya.

I bit my lower lip and glanced at my other hand. Namamaga pa rin ang kamay ko pero mabuti na lang ay hindi ako nabalian. According to the doctor whom I met a few minutes ago, sprain nga lang daw ito at gagaling rin after two to three weeks.


Pagkarating namin sa basement parking ng hotel ay agad siyang lumabas ng kotse at pinagbuksan ako ng pintuan. I slowly unbuckled my seatbelt and raised an eyebrow at him.

Ang bait bait nito lately. Nakakapanibago na talaga.


"Nasapian ka ba? Nasaan na 'yung masungit na hubby ko?"

"Why? Do you like me better when I'm not talking to you?"

Napaisip ako saglit. "Wala namang pinagbago. Crush pa rin naman kita kahit kinakausap mo ako o hindi."

He smirked and licked his lower lip. "Akala ko ayaw mo na sa'kin..."


Tumaas ang kilay ko at napagtantong masyado na naman akong nagiging vocal sa feelings ko. Pero... wala naman si Ron dito. Ayos lang naman siguro? Lol. What is this behavior, Sab?


"Hindi noh! Love pa rin kita! Secret nga lang 'yun!" I whispered, pulling him to the elevator.

He chuckled and pressed the close-button then he leaned into me. Napasandal ako sa gilid dahil nagulantang ako sa ginawa niya. "And why would you keep that a secret? Noon, sinisigaw mo sa buong mundo na gusto mo 'ko."

Naginit ng tuluyan ang buong mukha ko. Ang lapit lapit naman niya! Kiss ko siya diyan, e!

"Basta!" I complained. Tumunog ang elevator at bumukas na ang pintuan kaya dali-dali akong lumabas. Nahagilap agad ng mga mata ko sila coach sa lobby.


Love Me in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon