Chapter 29 - Promise

1.9K 82 7
                                    

CHAPTER 29

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 29

PROMISE


Sab's POV


"Marinaaaaaaaa!" Halos hindi ako magkandaugaga sa pagtakbo nang makita ko siyang nakaupo sa isa sa mga table sa cafeteria. I ran as fast as I can and was about to reach her when I felt something hard hit my forehead.

"Aray!" Napainda ako sa sakit at napaupo pa nang tumama ako sa glass sliding door. May pintuan pala, hindi ko napansin!


"Oh my gosh, S! Are you okay?" Lumabas kaagad ang pinsan ko at tinulungan akong umupo sa gilid habang chine-check ang noo ko. I smiled as some students started laughing. Kumaway muna ako sa kanila bago ako humarap kay Marina.

"No, I am definitely not okay! Look!!" Iniangat ko ang kanang paa ko at binida ang sapatos ko na binili sa akin ni Russell.

"Ano 'yan?" nagtatakang tanong ni Marina.

"Luh bobo. Malamang rubbershoes!"

Sinimangutan niya ako. "Oh ano ngayon? Anong gagawin ko?"

I sighed. "Gift 'to ng hubby ko sa'kin! Matching pa kami! He'll wear his at the game!" Itinaas ko ang hawak kong paperbag as a proof na nagsasabi ako ng totoo. She can check the box inside to confirm that this is Russell's.


Marina rolled her eyes and sat beside me. "Ayan pa talaga inatupag mo e tumama na ang ulo mo sa pintuan. Ayos ka lang ba talaga? Your forehead's a little red..."

"I'm fine, don't worry." Hinimas ko ang noo ko. Hindi naman ako nahilo so I think I'm good. Worst case scenario, magkakabukol ako mamaya. "Samahan mo naman ako sa locker. Ilalagay ko lang ito doon."

"Bukas na. Nakain pa kaming dinner ni Lucas." Sinilip ko ang boyfriend niya at kumaway ito sa akin. I waved back but didn't walk towards him. Tinatamad ako.

"Psh. Ako na nga lang." Tumayo na kami at inalalayan pa ako ni Marina. Obviously, she's still worried. "See you na lang sa dorm. Kumain na kami ni hubby kaya busog na ako."

"Okay, see you later."


Masaya akong naglakad papunta sa basketball gym. Ayokong mawala ito kaya ilalagay ko na kaagad sa locker ni Russell. Excited na tuloy ako sa Friday dahil makikita ng lahat na same kami ng shoes! Mangisay sana sa inggit si Agatha! Mwahaha!


"If they see our matching shoes, I'm sure everyone would immediately think we're dating!" Humagikgik ako at binuksan na ang pintuan sa locker room. I have my own duplicate key because Russell usually asks me to fetch his things.

Binuksan ko na ang locker niya at maingat na inilagay doon ang sapatos. I was about to close it when I heard someone knocked on the door.


"Sab? Is that you?"

Love Me in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon