Chapter 39 - Protect

1.7K 87 16
                                    

CHAPTER 39

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 39

PROTECT


Sab's POV


Pinigilan ko ang sarili ko sa pago-overthink. I wanted to be a matured and independent woman. I want to show the world, the universe rather, I am confidently beautiful with a heart---Charot! Hahaha Pang-Miss Universe pa nga ang sagutan.

Anyway, itinulog ko na lang muna ang pagaalala at nang magkita kami kinabukasan ni Russell ay agad ko siyang tinanong tungkol doon.


"May relasyon ba kayo ni Agatha? Kabit lang ba ako? Ha? Aminin mo na habang kaya ko pang intindihan ka!"

"Ha?" naguguluhang tanong niya. "Hindi ka na naman ba nakainom ng gamot mo?" natatawang biro niya bago niya kinuha ang sling bag ko at binuhat 'yon. Then he held my hand and we started walking away from the dormitory building.


I pouted and examined his face. Mukhang clueless talaga siya sa sinasabi ko. As usual, taong bundok nga pala itong jowa ko at hindi mahilig mag-social media. Sighing, I showed him the video that I watched from last night.

Nakakunot ang noo ni hubby habang pinapanuod 'yon. I stayed there, just looking at the students near us whom I think are gossiping about us. Some were even lowkey taking pictures and videos of us. Pinigilan ko ang sarili kong ngumiti at kumaway sa mga camera nila.


Russ caught my attention again when I heard him cursed. "What the f*ck? Ano na naman ba 'to?"

I nod in agreement. Palagi na nga lang may issue. "Lahat na nga ng plot twist, nasa love story na natin."


He gave me back my phone and continued walking. Masama ang timpla ng mukha niya at halatang nagiisip siya ng mabuti. I tiptoed to kiss his cheek.

"Penny for your thoughts?"

Bumuntong hininga siya at hinarap ako. "I need to end this once and for all. I can't let anyone say bad sh*t about you. A kiss or holding hands in public used to work, but it was never enough."

I gasped. "Hala siya! Anong gusto mo, magchukchakan na tayo dito? Hubby naman! Sige! Saan mo ba mismo gustong pumwesto?"

"What?!" Napanganga siya sa gulat.

I laughed loudly making Russell shake his head and pinch my cheeks. "Ikaw talaga!"

"Joke lang, ito naman! Masyado ka kasing seryoso!"


"Does this not bother you?"

Ngumiti ako. "'Di ba nga, ikaw na rin ang nagsabi? Hindi naman sila parte ng relasyon natin kaya hindi dapat ako nagpapaapekto sa mga kumento nila sa buhay ko. Tsaka pagkatapos nating maghiwalay at naramdaman ko na kung paano ka mawala sa akin, naisip ko lang na ang babaw na rason naman para pagdudahan ko ang pagmamahal mo dahil lang sa isang video na wala namang katuturan."


Love Me in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon