Chapter 44 - Going Home

1.7K 69 1
                                    

CHAPTER 44

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 44

GOING HOME


Sab's POV


"Stop glaring at him!" Tumawa ng malakas si Marina habang sinisiko ako.

Kanina ko pa kasi iniirapan si Simeon pero balewala ito sa kanya. He's been following me like a lost puppy since yesterday. Naiirita na ako dahil hindi naman dapat siya kasama sa double date namin ng pinsan ko at boyfriend niya ngayon, pero ang kapal ng mukha niyang sumunod.


"You're acting as if you've never been like him before. Intindihin mo na lang siya."

Come to think of it, she's kinda right. I was once a Simeon. Hinahabol habol ko rin si hubby noon dahil malaki ang gusto ko sa kanya. At kahit sinusungitan niya ako, hindi pa rin ako tumigil.


I pouted and decided to let go of it. Ayokong masira ang araw ko. Niyakap ko na lang ang bewang ni Russell at tumingin na sa harapan. Nakapila kami ngayon upang bumili ng popcorn.


Russ kissed my hair and ordered cheese popcorn along with two iced tea drinks.

"Bilhan mo na rin siya," I muttered, realizing that it's too rude for me not to include Simeon. Kahit hindi siya invited, kaibigan ko pa rin naman siya. I'm just really annoyed by his presence right now.


Hubby sighed but paid for Simeon's food too. Binayaran niya na rin ang kanila Lucas at Marina upang 'wag na daw sila pumila pa.

"Oh!" pagalit na abot ko kay fifth-wheel bago ako tumalikod at lumapit ulit kay Russell. We held hands while he carried both our snacks.


Pagpasok sa loob ng sinehan ay aakto pa talaga si Simeon na para bang siya ang jowa ko. He sat beside me, beating Marina to it. Inis na bumuntong hininga si Russell at pinalipat ako. He sat in the middle but turned all his attention to me. I smiled and rested my head on his shoulder.


Natapos ang palabas na wala akong naintindihan dahil nakatulog pala ako. Natawa na lang ako dahil may bakas pa ng tulo ng laway sa bibig ko paglabas namin doon.

"Saglit hubby, mag-CR lang ako. Maghihilamos na rin." I pulled my cousin with me towards the comfort room.


"Ang lala ni Simeon. 'Di baleng masaktan na may ka-holding hands kang iba kaysa hindi ka makasama," Marina commented while reapplying lipgloss.

I groaned and nod my head. "Martyr niya, grabe. Sana naman makaramdam na siya na unwanted siya dito at iwanan niya na lang tayo. He's ruining the mood."

"Baka mag-give up siya? I doubt. Kasing kulit mo 'yan e," hagikgik niya bago ibinalik sa bag ang lipgloss. She waited for me to finish washing my face before she spoke again.


Love Me in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon