Chapter 12 - Childhood Friend

2K 79 6
                                    

CHAPTER 12

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 12

CHILDHOOD FRIEND


Sab's POV


"Uwahhhh!"

"Hoy S, para kang bata diyan. Tumigil ka nga kakangawa!" Marina complained.


"E kasi naman M, malay ko bang kailangan pala ng ticket para makapanuod ng game ng hubby ko? Akala ko libre 'yon kaya hindi ako nakikigulo sa mga Russell Riders. Nung nalaman ko, ubos na 'yung ticket na pinamimigay ni Lily." Umiyak ulit ako dahil hindi ko matanggap na hindi ko nasuportahan si Russell sa first game of the season nila.


What if hinahanap niya ako? What if dahil hindi ako nakapunta ay nalungkot siya? What if dahil sa pagaalala ni Russell ay hindi siya nakapag-concentrate sa laro nila? But I heard they won the game. Pero kahit na! What if muntikan na sila matalo dahil na-distract ang hubby ko?


"It's not a big deal. May mga susunod na games pa naman."

"Anong hindi big deal? As his future wife, dapat nandoon ako."


Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. She suddenly placed both his hands on my shoulders. Seryoso ang tingin niya sa akin.

Oh boy. This is serious.


"Pwede ba kitang ma-real talk? Kahit ngayon lang? As your cousin, I feel like I should talk to you about this. Kasi kung hindi ko gagawin ito, walang maglalakas loob kausapin ka."


Huminga ng malalim si Marina bago niya itinuloy ang sasabihin niya.

"I don't think there's a future for you and Russell."


I was taken aback by what she said. "That is so out of the blue. Bakit mo naman nasabi e hello, may progress na nga kami? He didn't deny me in front of his friends and teammates."


"Oh my golly. Are you blind? Can't you not see he's not interested in you? Pinanuod ko kayo nung welcome party at kitang kita ng mga mata kong iritable siya sa'yo. I don't think Russell's looking for a girlfriend right now. He seems so focused on himself. Itong ginagawa mo, nagsasayang ka lang ng oras."


"Nagselos lang 'yon sa'min ni Ron kasi 'yung kaibigan niyang 'yon, lapit ng lapit sa akin."


"Can you stop being naïve right now? Please? S, hindi ka gusto ni Russell at mas lalong hindi mo magagawang baguhin ang nararamdaman niya sa loob lang ng ilang buwan. Love takes time. If you truly want to experience real love, you shouldn't be rushing things."


I sighed. "But I am running out of time. Ilang buwan na lang, birthday na ni Papa. I don't want to be stuck with Simon for the rest of my life."


Love Me in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon