Chapter 37 - Truth

2K 70 14
                                    

CHAPTER 37

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 37

TRUTH


Sab's POV


Kakabalik ko pa lang sa campus nang makita ko si Russell na naglalakad papunta sa parking lot. Kung kanina ay hayok na hayok akong makita siya, ngayon naman ay parang gusto ko na lang magtago sa may puno para hindi niya ako mapansin. But before I could even do that, he had already noticed me. His walk slowed down as his eyes gazed at me. Bigla akong kinabahan at hindi nakagalaw sa pwesto.

He approached me, contrary to what I had expected as he previously ignored me when I asked for a breakup.


"I was just about to look for you..." Tinitigan ko ang mga mata niya. He didn't seem angry anymore...Kumpara kaninang tanghali, tila ngayon ay kalmado na siya.

"Why?" I asked, doing my best to act normal. Ghad, I want to hug him right now and apologize!

Russell scratched the back of his head and frowned. Parang hindi niya alam ang isasagot sa tanong ko. "I t-think you forgot some of your things on my apartment."


Para akong binagsakan ng langit at lupa sa sinabi niya. I thought he wants to talk about us. I thought he'd ask me to reconsider my decision of ending our relationship. Pero tanggap niya na pala talagang wala na kami at ngayon ay pinakukuha niya pa ang mga naiwan kong bakas sa buhay niya.


Disappointed, I looked away and directed my gaze to his car. "Ngayon ko na ba dapat kunin?"

"Kung ayos lang..."

Tumango ako at hindi na umimik. Russell walked to his car and I quietly followed. Gusto kong ngumawa dahil feeling ko late na ako. Feeling ko mahihirapan na akong amuhin siya. He seems so determined to move on.

Harsh mo naman, hubby! Wala pang isang araw mula nung nakipaghiwalay ako sa'yo ah! 'Di man lang ba uso sa'yo ang change of mind?


Tahimik akong sumakay sa shotgun seat at nag-seatbelt. He did the same. Walang umiimik sa aming dalawa pero sanay naman na ako na ganoon siya. It's just that, knowing he's silent because he's probably done with me hurts more than I thought it would be.


Nagpatugtog na lang ako habang nagda-drive siya para hindi awkward. Kaso kanta ni Taylor Swift na 'You're Losing Me' ang unang una sa playlist ko. Mas lalo lang yata akong nalungkot...

'Yan ba ang nararamdaman niya? His heart won't start anymore for me? Aray.


"Hindi ba magagalit si Ron na sumama ka pa sa'kin?" tanong niya pagka-park sa tapat ng apartment niya.

What kind of question is that? Nakita niya lang magkahawak kamay, nag-assume agad siyang may something na kami ni Ron. Tsss.


"Single naman ako kaya walang magagalit." I emphasized the word single to clarify things with him. Baka kung ano-ano na iniisip niya diyan, sapukin ko siya.

Love Me in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon