Chapter 28 - Keep

2K 97 12
                                    

CHAPTER 28

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 28

KEEP


Sab's POV


"We never broke up so we are still together up to this day. You're still my girlfriend and I am still yours."

"Really?"

"Yes Sab. Sa'yong sa'yo lang ako."

Then I felt my lips touched his. It was so light yet my heart almost exploded from all the emotions I'm currently feeling. Ramdam kong hinalikan niya rin ako pabalik. Dahan-dahan na tila bawat dampi ay may kahulugan.



"Hoy! Bakit nakanguso ka diyan?!" Napabalikwas ako nang hampasin ako ni Marina ng unan sa mukha. "Kanina pa alarm ng alarm phone mo, ako tuloy nagising!"

I groaned and threw the pillow back to her. "Nakakairita ka naman e! Ang ganda ganda na ng panaginip ko!"

"Bakit? Anong meron? Nag-kiss kayo ng hubby mo sa dreams mo?"


I touched my lower lip and smiled. It felt so real, almost as if it really happened...

"Oo...hehehe."

Marina laughed loudly. Nakakainsulto nga ang lakas ng tawa niya. "Talagang nananaginip ka nga!"

Inirapan ko na lang siya at hindi na nakipagtalo pa. Alam ko namang hindi totoo 'yon pero pakiramdam ko nangyari talaga. Ang lambot lambot ng labi ni hubby... Nakakaadik.

Kaya siguro hindi ako ginagawang girlfriend ni Russell dahil pag nagkataon, baka araw arawin ko i-kiss 'yon! HEHEHE.


"Hi Sab!" bati ni Ron sa akin. Kakatapos lang ng klase kaya dumiretso na ako dito sa gym dahil may practice game sila ngayon.

"Uy hello!"

"Flowers for you." Naghiyawan agad ang mga kaibigan niya nang abutan ako ni Ron ng one dozen of red roses. Binilang ko kaya sure akong twelve nga iyon.


Aaminin ko, kinikilig ako. It's not everyday a guy would give me flowers!!! Pangarap ko lang makatanggap ng ganito noon e!

"Thank you, Ron." Ang sabi naman ni Marina ayos lang mag-entertain ng suitors basta hindi ko paaasahin ng sabay kaya ito, hinahayaan ko siyang magregalo sa akin.



"Captain!"

"Just in time!"


Nilingon ko si Russell na kakarating lang. Wala na namang emosyon ang mukha niya katulad ng palagi niyang itsura. I smiled and waved at him but he just looked at me.

"Start stretching," utos niya sa team.


"Sige Sab, mamaya na lang." Tumakbo na si Ron upang makapag-warm up habang ako naman ay sumunod kay Russell papasok ng office room.

Love Me in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon