Chapter 25 - Bruise

2.4K 93 15
                                    

CHAPTER 25

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 25

BRUISE


Sab's POV


"So totoo nga!" Halos sigawan ako ni Marina habang tinitingnan niya ang kumakalat na video ng paghalik ni Russell sa pisngi ko. I sighed and did my best not to groan.

It's been three days since it happened pero ngayon lang nakita ng pinsan ko ang vid dahil ginawa ko ang lahat upang wag niyang mapanuod iyon. Sa huli ay may nag-send pa rin sa kanya noon, isa sa mga Russell Riders na hayok malaman kung kami nga ba ni Russell.

I suddenly wonder, did RJ see it too? Ano kayang iniisip no'n? Baka nasaktan siya...


I haven't actually talked to both of them over these past few days. Iniiwasan ko talaga sila dahil naguguluhan ako sa sarili ko. I didn't feel like being an assistant so I even filed for a leave. Dinahilan ko na masama ang pakiramdam ko kahit na nagkukulong lang naman ako sa dorm room ko.

It's stupid but I really can't face the two of them right now.


"Bakit ganyan ang reaction mo? Hindi ba't baliw na baliw ka kay Russell? Don't tell me you suddenly had the change of heart?"

"M, si Ron kasi... umamin siya sa'king gusto niya 'ko. Liligawan niya na daw ako." Parang tinutusok ang dila ko sa sinabi ko.

"Oh my gosh! Anong sagot mo? Pumayag ka ba? I told you he likes you! Halatang halata kaya! Ang alaga niya sa'yo! Friends don't do that to each other."

I sighed again. Pang-ilang buntong hininga ko na ito mula nung isang araw. Buti nga ay hindi pa ako nauubusan ng air sa lungs. "Hindi ako nakaimik. Nagpaalam na lang akong pupuntahan ka. I didn't know what to say."

Tumawa siya at napailing. "Haba kasi ng hair mo, dala-dalawa pa tuloy ang nagkakagusto sa'yo ngayon."


"Hindi naman ako gusto ni Russell..." I looked at my hands and remembered what I just saw a few minutes ago.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tiningnan ko ang mga pictures nila ni Agatha na pinaguusapan rin ng mga tao ngayon. And it's true. Nakatira nga sila sa iisang bahay. Ilang beses na ko nakapunta doon kaya alam kong kila Tita Janet 'yon.


The pictures are all taken from Agatha's phone. She posted it on her Instagram account.

The first one is from the living room. Nakasuot siya ng silk na pangtulog, katabi si Russell na naka-white T-shirt at pajama. Nagse-cellphone lang ito at mukhang hindi niya alam na naisama siya sa picture. Still, something in my heart ached as I stared at them. Magkadikit sila, close na close sa isa't-isa. They looked like newly-wed couple...

The second one is a family photo. Nakaupo sa dining table si Tita Janet, ang parents ni Agatha, si Agatha at si Russell. Mukhang nagdi-dinner sila. Nahagip pa nga ng cam si Ron, nakatalikod doon sa may kusina. If he didn't tell me he's Russell's step brother, I wouldn't realize it's him.

Love Me in BrooklynWhere stories live. Discover now