Chapter 15 - Patience

1.9K 99 14
                                    

CHAPTER 15

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 15

PATIENCE


Sab's POV


"Ron gusto ko din 'yun!" sabay turo ko sa bagong-bagong luto na pork ribs. "Tsaka ayon rin oh, mukhang masarap." I smirked and grabbed some mangoes too.

"Are you sure you can eat all of these?"

"Of course! Minamaliit mo ba ang kakayahan kong lumamon?"

He chuckled but helped me hold my trays anyway. "Takaw mo."

"Naman! Minsan lang 'to noh, kaya nilulubos ko na. Teka, bakit ka nga pala nanlilibre? Anong meron? Birthday mo ba? Happy Birthday!"

Natawa siya. "I like seeing you smile and since food makes you happy, then I believe a lunch treat would do."

Tumango tango ako dahil totoo naman. Nakakapagpasaya nga sa akin ang pagkain lalo na pag libre hehehe.


"Nako Ron, wala akong hiya sa katawan. Kapag ganyan ang mga dahilan mo, bahala ka. Malamang araw araw mo na 'ko iti-treat niyan."

He smiled. "I don't mind."

Ang bait naman nito! Sana mahawa si Russell sa kanya, char! HAHAHA.


"Why is your bag so huge today?" He curiously asked once we reached our table.

I looked at my backpack and sighed. "Ah eto ba? Maga-advance reading kasi ako kaya nanghiram ako ng mga libro sa library."

"Wow. You must be one of the top students at your previous school."


"Hindi noh! Madalas nga kulelat ako. Parang kanina, tinawag ako sa recitation pero hindi ako nakasagot. Tapos may homework pala kami pero hindi ko nagawa dahil ginabi na ako ng balik sa dorm kaya ayon, ilang beses akong napahiya at nasigawan ng prof ko. Marina also got mad at me so I promised her that I'll study harder starting today."


Nagsimula na akong kumain ngunit napansin kong nakatitig lang sa akin si Ron. Nagagandahan siguro 'sakin. HAHAHA.


"Ginabi ka ulit ng uwi? Parang araw araw na 'yan ah. Was it because of Russell again?"


Being an assistant of that guy takes a lot of my time but I'm not complaining. Not all girls get to have a chance to be with their crush. Atleast ako, palagi kong kasama ang hubby ko. Ayun nga lang, sobrang nakakapagod. Lalo na kapag pinagbubuhat niya ako ng mga gamit niya.

One time, nagulat ako dahil may mga bato pala sa loob ng bag niya. Tinanong ko siya kung bakit pero tiningnan niya lang ako. I just shrugged it off. Baka may weird hobby siya na nangongolekta ng mga bato sa daan or baka boyscout siya. Either way, binalewala ko na lang din.


Love Me in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon