Chapter 42 - Fetch

1.6K 73 8
                                    

CHAPTER 42

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 42

FETCH


Sab's POV


"Savannah Blaire Navar!" Natigilan ako sa pagaayos ng gamit ko nang marinig ko ang boses ni Lily sa 'di kalayuan. I immediately closed my locker and pretended I did not hear her. Nagmadali akong maglakad palayo ngunit narinig ko ulit ang pagsigaw niya.

"Sab! What the heck?"


Tumakbo na ako nang marinig kong malapit na siya sa akin. Kung saan saan ako lumusot hanggang sa naisipan kong magtago sa likuran ng library building. Hingal na hingal tuloy ako sa layo ng tinakbo ko.

"Bruhildang 'yon, pinagod ako..." bulong ko habang sumisilip silip sa labas. Wala naman akong nakikitang mga estudyante kaya nakahinga na ako ng maluwag.


"Why are you avoiding us?"

"AHHHHHH!" Ang lakas ng sigaw ko nang bigla na lang may lumitaw sa likuran ko. "Ano ka ba naman Lily! Paano ka napunta diyan?!"


She crossed her arms and raised an eyebrow at me. "Ang dapat na tanong dito ay kung bakit ka umiiwas sa'kin? At bakit ka hindi ka sumasagot sa mga tawag ko? Are you not part of Russell Riders anymore just because you're dating our King?"

Shet. Na-corner pa nga.


"Ha? Ako? Hindi na parte ng Russell Riders? Pwede ba naman 'yon? Si Marina pa siguro since never naman naging fan ni hubby 'yon. Maybe you should call her---"

"Stop changing the subject."


Tumingin ako sa paligid. I need to get out of here.

"Russell?" pagpapanggap ko. Tinuro ko pa ang likuran ni Lily upang kunwari ay naroroon ang boyfriend ko. She immediately turned around to check it out. I took that as an opportunity to run away. Kaso pagtakbo ko palabas ay mayroong mga Russell Riders na humarang sa akin.


"Grabe Sab. I can't believe you're ditching us!"

"Hoy Lily, 'wag ka ngang magbintang! Masama 'yan!"

"Then explain yourself!"

I bit my lower lip and thought of an excuse. "Ano...uhm...uhh...May s-sira kasi ang phone ko kaya hindi ko nari-receive mga tawag mo mula kahapon. Pasensya na ha. Naiinis nga rin itong si Russell sa'kin kasi alam mo naman 'yon, clingy. Gusto marinig boses ko palagi tuwing magkahiwalay kami. Myghad, nakakapagod na nga. He's just so obsessed with me, yah know? Ugh."



Sumimangot siya at napailing. "Say your phone is seriously damaged. How do you explain what just happened? Sumisigaw na ako pero umasta ka pa ring parang wala kang narinig."

Love Me in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon