Chapter 22 - Territorial

2.2K 89 6
                                    

CHAPTER 22

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 22

TERRITORIAL


Sab's POV


"Hoy S, para ka ng engot diyan. Hindi ka ba mapapagod kakatitig sa picture niyo ni Russell?"

Inirapan ko saglit si Marina bago ako ngumiti ulit dahil sa litrato namin ni hubby. "We're so cute, M! Bagay na bagay talaga kami!"


It's been a week since this pic was taken by Russell. Hindi pa rin ako makapaniwalang inakbayan niya ako at boluntaryo siyang nag-selfie kasama ako. It's like a dream come true!!!

Sa sobrang kilig ko ay pinagdamot ko ito sa buong mundo. Only my cousin Marina knows about it and Lucas too because he accidentally saw my lockscreen. Hindi ko iyon ina-upload sa internet. I don't want people to edit their faces on mine. Nasubukan ko na iyon sa mga naging crush ko noon kaya alam kong hindi malabong mangyari rin kapag nakita ng mga fans ni Russell.

Ayokong ang isang bagay na napaka-importante para sa akin ay gawin lang laro o katatawanan ng iba. Besides, baka mag-trending ulit ako. Dumami pa nagkaka-crush sa'kin, mahirap na. Hehehehe.


Also, I don't want my family to overreact again. My Dad and Tita Myra asked who Russell is when they saw my profile picture. Nakalimutan kong friends ko nga pala sila sa facebook ko at maaari nilang makita ang mga ina-upload ko doon.

Maging si Kuya Milo nga ay tumawag pa at naging protective bigla. Pupunta raw siya rito para batukan ako. I just laughed and ignored him. Busy 'yon, hindi 'yon dadayo ng Brooklyn para lang mangasar.


"Magaral ka nga! Sisirain ko 'yang cellphone mo!" iritang bulong ni Marina sa akin habang nagbabasa siya ng libro.

Nandito kami ngayon nagaaral sa library dahil may conference ang mga prof namin at nagiwan lang sila ng mga gawain. Most of the students are doing their take-home workloads here. Maski si Lucas ay katabi niya, tahimik na may sinasagutan.


"KJ mo talaga. Fine!" I rolled my eyes but kept my phone inside my bag anyway.

I tried really hard to understand what I'm reading but my brain's not cooperating with me. Mangongopya na lang siguro ako mamaya kay Marina or magpapaturo ako sa kanya. Either way, matagal pa naman ang free time namin kaya hindi ko minamadali ang sarili ko.


"My Mom's in town and she wants to meet you. Can you join us for lunch tomorrow?"

"W-what?! But I-I'm..."

Tinaasan ko ng kilay ang pinsan ko na halatang kinakabahan ngayon. Tanggal angas ni Marina hahaha!

Habang abala siya sa pakikipagusap kay Lucas ay dahan-dahan kong kinuha ang phone ko. I giggled quietly as I saw my picture with Russell again. Nasa kalagitnaan ako ng paghagikgik nang mapansin kong nagbubulungan ang mga babae sa katabing table namin. May tinitingnan sila kaya nakichismis ako at sinundan ang mga mata nila.

Love Me in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon