Chapter 6 - New Member

2.1K 88 0
                                    

CHAPTER 6

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


CHAPTER 6

NEW MEMBER


Sab's POV


"S, sigurado ka ba dito? What if matalo ka?" nagaalalang bulong ni Marina sa akin.

"I got this, M," matapang na sagot ko ngunit agad rin naman akong kinabahan nang ngumisi sa akin si Lily. She has this evil aura on her and it looks like she's confident she's going to win.


I watched as she opened the door to their club room. Pagkapasok namin doon ay napanganga na lang ako sa gulat. Napakarami nilang merch para kay Russell. Mayroong mga unan, damit at kung ano ano pa. Most of them are just designed with their logo RR. Pero may iilan ding may mukha talaga ni Russell.

ANG CUTE!!! Halatang mahal na mahal nila ang hubby ko!!!


"Okay, sit there," utos ni Lily. Tinaasan ko siya ng kilay at doon ako sa opposite na upuan dumiretso.

Anong akala niya, magpapatalo ako sa kanya? No way! Panda Sab never bows down to anyone!

Kahit alam kong lamang siya sa akin pagdating sa buhay ni Russell, still hindi dapat mawala ang yabang ko. It's the only thing I have right now.


"Here's what's going to happen. One wrong answer and you lose."

"Hey, that's unfair!" sigaw ni Marina.

"If she's really our King's girlfriend, she should know everything about him."

I almost rolled my eyes. It's so obvious she just wants to win.



"Let's just get this over and done with." I yawned and stretched my arms. Umupo na si Lily sa tapat ko kaya naman tumayo ako at nag-jumping jacks. Some of her friends laughed but I still continued what I was doing. Kailangan kong mag-ready at galingan.

"Game!" I announced, sitting on my chair once again. May isang babae ang tumayo sa gitna namin at kumindat kay Lily.

Luh, anong binabalak niyo?


"Russell's full name---"

"Russell Jay Valiente!" We both shouted.


"Too easy," Lily commented.

I just stared at her and waited for the next question.


"Russell's birthday!"

"August 12!" sabay na sabay na sagot naming dalawa.

Mabuti na lang talaga naaalala ko pa 'yung nai-search ko sa google.


"Our king's zodiac sign!"

Love Me in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon