CHAPTER 1: TRIPLETS

5.6K 91 3
                                    

Xenon's POV
I'm busy with some stuffs here in my office when my phone rings. Binitawan ko naman agad ang papel na hawak ko saka ko dinampot ang cellphone ko sa malapit at sinagot ang tawag ni mama.

"Hello ma. Bakit napatawag ka? Pauwi na ako maya-mayang konti. Tinatapos ko lang yung mga tinutuos ko para sa sales ng restaurant ngayong buwan." Sabi ko saka ko dahan-dahang inikot ang upuan kung saan ako nakaupo.

Hindi nakaligtas sa akin ang pagbuntong hininga ni mama sa kabilang linya. "Pwede bang umuwi ka na ngayon?" Mahinahon niyang sabi pero halatang may hindi magandang nangyari.

Tumayo ako saka naglakad palayo sa mesa. "Bakit nga? Ano ba talaga ang nangyari? Sabihin mo na sa akin. May ginawa na naman bang kalokohan ang mga bata?" Siguro ay may ginawa na namang kababalaghan ang isa sa tatlo kong anak, lalong-lalo na si Lancelot.

"Meron kaya lang..." Alanganing sabi ng kausap ko.

"Kaya lang?" Dagdag ko nang hindi niya maituloy ang sasabihin niya.

"K-Kasi ano...basta! Umuwi ka na lang para malaman mo. Tumataas ang presyon ko sa stress. Saka mas mainam na pag-uwi mo na malaman dahil baka mamaya ay kung ano pa ang magawa mo sa kanya."

Napakunot nuo ako sa sinabi ni mama. "Sa kanya? Ang gulo mo ma." Nakasimagot ko ng sabi dahil hindi ko mapagtagni-tagni ang mga sinasabi niya.

"Hay nako! Sinabi ko na kasi sayo na umuwi ka na lang saka ko ipapaliwanag. Sige na ibababa ko na 'tong tawag." Wala na akong nagawa pa nang ibaba na nga ni mama ang tawag niya.

Gulong-gulo naman ang isip ko habang inaayos ko ang ilang papeles na hawak ko kanina. Hindi ko na rin naman 'to matatapos pa bago ako umuwi dahil wala na ako sa focus gawa ng tawag ni mama. Mas mabuti pa na umuwi na ako at bukas ko na lang 'to tatapusin, tutal ay konti na lang naman ang kailangan tapusin.

Binitbit ko ang backpack kong dala na naglalaman ng uniform ko saka ako lumabas ng opisina ko at inilock ko 'to.

"Chef Glaiza mauna na ako. Pinauuwi ako ng maaga ni mama e. May ginawa na naman sigurong kakulitan ang mga anak ko. Kayo na ang bahala rito sa restaurant. Maaga na lang akong papasok bukas." Paalam ko sa manager nitong restaurant ko na nandito sa counter kasama ang dalawa pang staff ko.

"Okay sir. Wala pong problema."

Iniwan ko na sila saka ako lumabas ng restaurant ko at sumakay sa kotse ko. Hindi ko naman na kailangan ibilin pa isa-isa ang mga bagay na dapat gawin ng mga staff ko para sa pagsasara ng restaurant. Alam naman na nila kung ano ang dapat gawin lalo si Glaiza at Jason na mga manager ko.

Mabilis kong pinaandar ang kotse ko para makauwi na. Kating-kati na talaga akong malaman kung ano ang dahilan kung bakit pinauuwi ako ng maaga ni mama saka miss ko na ang triplets ko.

Pagpasok ko ng kotse ko sa maluwang naming garahe ay medyo nagtaka ako nang walang sumalubong sa aking mga bulinggit. Kapag ganito kasing umuuwi ako ay nag-uunahan na sa pagtakbo ang mga anak ko para salubungin ako at bigyan ng halik at manghihingi ng pasalubong mula sa restaurant ko.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay naabutan ko sila na tahimik na nanunuod ng cartoon sa tv habang nakahiga sa nakalatag na kutson at kasama nila si mama. Sa luwang ng sala ay nagkasya ang may kalakihang kutson at prenteng-prente silang apat doon habang tutok sa pinapanuod.

"Dada's home!" Masigla kong sabi habang palapit sa kanila at nag-unahan na nga silang lumapit sa akin.

"Dada!" Tili ng nag-iisang kong prinsesa saka yumapos ng mahigpit sa mga binti ko.

Ganon din ang ginawa ng dalawang lalaki ko saka ako lumahod para halikan sila isa-isa sa pisngi. Yumapos agad si Lanaia sa leegan ko nang mapantayan ko sila. "You cried my princess?" Tanong ko sa kanya nang mapansin ko na namumula ang paligid ng mga mata niya at medyo namamaga.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon