CHAPTER 37: YOURS

1.6K 37 0
                                    

Quebec's POV
"Let's go to my office." Aya niya sa akin ilang minuto matapos umalis ng dalawang kasama namin.

Tatanungin ko pa lang siya kung bakit pero hindi na ako nakapagtanong pa dahil hinila na niya ako pababa. Inalalayan niya akong makababa dahil nahalata niya na hindi ko na makita masyado ang hagdan dahil tinamaan ako ng wine. Balak niya yata akong lasingin talaga!

Pagbaba namin hindi ko na napansin kung may tao pa rito dahil wala na akong makita sa paligid. Pagpasok namin sa opisina ni Xenon, pinaupo niya ako sa sofa at lumabas siya ulit. Buti pala mababa ang neckline ng suot ko at maiksi, dahil nagsisimula ng uminit ang pakiramdam ko. Nakabukas din ang aircon dito sa office ni Xenon kaya naiibsan ang pagsingaw ng alcohol sa katawan ko.

Humiga ako sa sofa habang naghihintay sa pagbalik niya. Napipikit na rin ako at bago pa ako makatulog ay bumalik na siya. Inalalayan niya akong umupo sa sofa.

"Hindi pa ba tayo uuwi? Baka hinahanap na tayo ng mga bata." Sabi ko sa mahinang boses.

"Mamayang konti pa. May itatanong pa ako sayo." Sabi niya sa malambing na boses at inilagay ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko.

"Sana kapag lumaki na si Lanaia, mas lalo ka niyang maging kamukha. Ang ganda mo Quebec. Sigurado ako na magiging habulin ng lalaki ang prinsesa ko kapag nagdalaga siya kaya tuturuan ko si Landon at Lancelot na bakuran siya. Buti na lang nabakuran kita kahit sa hindi sinasadya na pagkakataon."

"Loko ka talaga! Alam mo ba, ilang beses na ring pumasok sa isip ko, paano kung hindi ako nabuntis. Paano kung hindi nabuo ang triplets. Siguro hanggang ngayon kilala lang natin ang isa't isa bilang best friend ni Cassandra."

Nagkibit balikat siya. "I don't know. Hindi rin natin masasabi. Love moves in mysterious ways."

Tinawanan ko siya. "Anong nangyayari sayo. Bakit ganyan ang mga banat mo. Hindi ako sanay." Niyugyog ko pa siya ng bahagya para mahimasmasan siya. Mas lasing pa ata siya sakin.

"Ganon talaga. Kasi kailangan ko ng matinong sagot sa tanong ko." Seryoso niyang sabi at parang nawala ang kalasingan ko nang umalis siya sa pagkakaupo sa sofa at lumuhod sa harapan ko.

May dinukot siyang kung ano sa loob ng coat na suot niya na isang kahon na hugis bilog. Kulay itim ito. Ihinain niya ito sa harapan ko at unti-unti niyang binuksan kaya tumambad sa akin ang isang simpleng singsing na may pendant na hugis bulaklak na puno ng diamond.

"Sabi ni mama sa akin, bakit daw ba pinatatagal pa natin kung anong meron tayo kahit na kung tutuusin pwede na tayong magpakasal lalo na at lumalaki na ang mga bata. Pero ang sabi ko sa kanya, lahat ng bagay pinaglalaanan ng oras at alam ko sa sa sarili ko kung handa na nga ba tayo sa kasal. Naisip ko rin na iba pa rin kung dadaan tayo sa ligawan, pagiging magboyfriend at girlfriend bago tayo ikasal. Ayoko kasi na ang maging dahilan natin kung ikasal man tayo ay ang mga bata lang. Iba pa rin kung ikasal tayo na mahal talaga natin ang isa't isa." Diretso lang ang tingin niya sa akin habang sinasabi niya 'yon sa akin.

Kinuha niya ang isang kamay ko at hinalikan ang likod non. "Huwag kang mag-alala. Hindi pa naman kasal ang iaalok ko sayo. Quebec, will you be my girlfriend?"

Ang kamay ko na hawak niya pa rin ay nanginig dahil bigla akong kinabahan. Ito. Ito yung hinahanap ko. Yung hintayin siya na tanungin ako kung gusto ko na bang maging girlfriend niya matapos ang ilang buwan na panliligaw.

"Babe? Yes or no?" Kinakabahan na sabi niya nang hindi agad ako sumagot.

Sinunggaban ko siya ng yakap na mahigpit sa leeg saka ko ibinulong sa kanya ang sagot ko. "Yes. Yes. Yes."

Niyakap din niya ako ng mahigpit bago pinakawalan at hinalikan ng marubdob sa mga labi. Isang minuto rin ata naming pinagsaluhan ang mainit na halikan bago niya isinuot sa akin ang singsing.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now