CHAPTER 13: AWAY

1.5K 34 0
                                    

Quebec's POV
Nagising ako sa maingay na pagtunog ng cellphone ko. Medyo inis ko itong kinuha sa gawing paanan ko para tignan ang tumatawag ng ganitong alanganing oras. Saktong kapapalit pa lang ng araw pero halatang hindi pa natutulog si mommy.

"Mom?" Sabi ko nang sagutin ko ang tawag.

"Tomorrow at exact 8 am, you have a flight to catch." Walang preno niyang sabi.

Napabangon ako sa sinabi niya. "W-What flight? Saan naman ako pupunta?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. Ano na naman ba ang gulong papasukin ko.

"Si boss ang nag-utos na ikaw daw bukas ang magdadala ng mga droga papunta sa Guam."

Sa narinig ko ay sobrang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi pwede! Ano na lang ang mangyayari sa akin kapag nahuli ako sa airlines ng Guam?! Sigurado ako na hindi ako tutulungan ni boss na makatakas o makaalis ng Guam kapag nagkataon.

"Bakit ako?! Hindi ko pa ni minsan nasubukan na maging carrier ng droga papunta sa ibang bansa o lugar gamit ang eroplano. Napakahigpit ng seguridad sa mga paliparan! Tiyak na mahuhuli ako!" Puno ang inis na sabi ko kay mommy.

"Wala akong magagawa Quebec. Alam mo naman na pagdating sa utos ni boss ay hindi naman tayo pwedeng humindi o hindi sumunod dahil may pinirmahan tayong kontrata. Bukas mo makukuha ang ticket mo kapag nasa airport ka na. Kaya agahan mo. Ngayon magpaalam ka muna sa amo mo sa pinapasukan mo at sabihin mo na may emergency dito sa bahay. Sumunod na lang tayo Quebec. Konting tiis na lang."

I laugh sarcastically. "Konting tiis na lang? Naririnig mo ba ang sinasabi mo mommy? Ilang taon mo ng bukambibig 'yan eh. Buhay pa ang mga kakambal ko motto mo na 'yan. Konting tiis hanggang sa mamatay na lang. Sa dami ng utang niyo kay boss malabong makaahon pa tayo sa kinasasadlakan natin ngayon."

Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot at pinatayan ko na siya ng tawag. Dahil wala naman nga akong choice kagaya ng sabi ng nanay ko ay nag-impake na ako ng ilang damit at saka bumalik sa pagtulog. Nang sumapit ang alas-sais ng umaga ay gumayak na ako kahit di pa ako nakakapagpaalam kay Xenon. Maya-mayang konti lang ay gising na 'yon dahil may pasok siya ngayon habang ang mga bata naman ay alas-syete hanggang alas-otso ang gising.

Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko sa sala ang mama ni Xenon na nagzuzumba kasama ang daddy nito. Natutuwa ko naman silang pinagmasdan. Halatang sinusulit nila ang oras nila bilang mag-asawa. Kahit na maraming trabaho ang daddy ni Xenon ay hindi pa rin ito nawawalan ng quality time sa asawa.

Ang kuya kasi ni Xenon ay nasa ibang bansa nakabase kasama ang pamilya nito. Madalas itong mamiss ni ma'am Sarah kaya laging pinupunan ni sir Michael at Xenon ang pagiging absent ng kuya niya para hindi ito malungkot. Buti nga raw ay dumating ang triplets sabi nung minsan ni sir Michael habang nasa hapag kami kaya nagkaroon daw ulit ng kulay itong bahay nila.

"Mukhang may lakad ka Quebec." Sabi sa akin ni ma'am Sarah na nahuli akong pinanunuod silang mag-asawa.

"Opo. Hindi pa nga po ako nakakapagpaalam kay Xenon kaya hindi ko pa po sigurado kung papayagan ako."

Lumapit ito sa akin habang nagpupunas ng pawis. "Bakit hindi ka pa nagpaalam kagabi sa kanya?"

"Kasi po kanina lang po tumawag si mommy na may emergency at ikinuha na niya ako ng plane ticket nang hindi nagsasabi sa akin. Tumawag po siya kaninang madaling araw para sabihin lang po ang oras ng flight ko mamaya." Pagpapaliwanag ko naman sa kanya.

"Anong oras ba ang flight mo hija?" Tanong naman ng daddy ni Xenon.

"Mamayang 8 am po." I answered.

"Oh anong oras na. Halika, ako na maghahatid sayo sa airport para hindi ka malate sa flight mo."

Akmang tatanggihan ko na siya nang marinig namin ang boses ni Xenon. "Flight? Bakit saan ka pupunta Quebec?" Napalingon ako sa kanya at nakita ko siya na pababa na ng hagdan.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon