LAST CHAPTER: TWIN

3.1K 80 6
                                    

Quebec's POV
"Up! Up! Up!" Narinig kong sabi ni Lanaia habang marahan akong niyuyugyog.

"Huwag Lanaia. Nahihilo si mommy." Mahinang sabi ko naman.

Naramdaman ko siyang yumakap sa akin at hindi na ako kinulit pa na magising. Paglipas ng ilang minuto ay bumangon na rin ako at agad nagtungo sa banyo para mag-ayos ng sarili. Pagkatapos kong maghilamos at magsipilyo ay hindi pa rin umaalis si Lanaia sa higaan namin ng asawa ko.

"Mukhang kanina ka pa gising. Nakagayak ka na." Sabi ko paglabas ko ng banyo.

Ngumiti siya sa akin at binitawan ang cellphone na hawak. "Yes mommy. Si dada kasi ginising kami. Sasama raw kami lahat sa checkup mo ngayon. Ngayon daw kasi malalaman ang gender ng babies." Sabay tingin niya sa malaki ko ng tiyan.

Natawa ako saka ko hinimas ang tiyan ko. Nang mag-apat na taon ang triplets ay inalok na rin ako magpakasal ni Xenon na hindi ko tinanggihan. Hindi muna kami nagplano na sundan ang tatlo dahil medyo alagain pa sila non kaya ngayong pitong taon na sila Lanaia, ay saka lang namin sila sinundan.

Tuwang-tuwa nga kaming lahat nang malaman namin na kambal ulit ang magiging anak namin. Ngayon ang alam ko kaya sila sasama ay meron silang pustahan. Hindi ko lang alam kung ano ang mapapanalunan sa pustahan nila.

"So your bet? Both girls?" Tanong ko sa kanya habang naghahanap ako ng maternity dress na susuotin para sa checkup ko.

"Yes. Kailangan babae sila pareho mommy. Sawa na ako kay kuya at Lancelot." Nakasimangot na sabi niya.

Tinawanan ko lang siya at nagpatuloy ako sa paghahanap ng susuotin ko. "Ikaw mommy? Ano gusto mong gender?" Tanong niya pagkalipas ng ilang minuto.

"Ako? Kahit ano? Kung parehong babae o lalaki, ayos lang. Kung babae at lalaki, mas ayos. Kahit anong mangyari, blessing pa rin sila sa atin. Mamahalin ko pa rin naman sila. Ang akin lang, sana malulusog sila paglabas."

"Paano kung parehong lalaki? Gusto ko talaga ng girl. Kahit isa lang sa kanila maging babae." Ungot naman niya.

"Pray harder." Sabi ko naman at saka ko siya nilapitan. "Tara na sa baba. Baka luto na ang breakfast natin. Naaamoy ko na."

Mabilis naman siyang umalis sa kama at sabay nga kaming bumaba. "Huwag masyado sa paggamit ng cellphone Lanaia. Ayoko ng ganyan." Saway ko sa kanya nang pababa na kami ng hagdan ay nakatutok pa siya sa cellphone niya at may nilalaro.

Sumimangot siya pero hindi naman na pumalag pa at ibinulsa na ang cellphone sa suot niyang short. Pagdating namin sa kainan, naabutan namin si Lancelot na tinitikman na ang ulam namin para sa umaga na 'to. Si Xenon naman ay may niluluto pa habang si Landon naman ay wala pa rito.

Dito pa rin kami nakatira sa bahay na sinurpresa sa akin ni Xenon ilang taon na ang nakalilipas. Kaming lima na lang ang nakatira rito dahil si mommy ay nakapag-asawa ng bago at ibinahay siya sa Laguna. May tatlo na rin kaming kasambahay pero ang tanging trabaho lang nila ay linisin ang bahay namin araw-araw. Hindi sila rito nakatira sa amin at araw-araw lang silang pumapasok. Pagpatak ng six ng gabi ay umuuwi na sila.

Sa pagluluto naman ng pagkain, si Xenon talaga ang nakatoka kahit na may trabaho siya sa restaurant. Madalas niya kaming dalhan ng pagkain tuwing lunch at sinasaluhan niya kami rito sa bahay. Kaya tuwing lunch ay umuuwi pa siya. Sa agahan at hapunan ay siya rin pero kapag kaya ko naman, ako na ang nagluluto.

Naging maselan kasi ang pagbubuntis ko sa kambal kaya limitado ang kaya kong gawin. Hindi ako nakapaglinis ng bahay masyado at hindi ko maasikaso masyado ang triplets. Mahina kasi ang kapit ng pinagbubuntis ko ngayon kaya si Xenon, hindi naiiwasang mag-alala. Hanggat maaari nga gusto niya nakahiga lang ako sa kama maghapon, na hindi ko naman kaya dahil hindi ako sanay. Gusto ko kahit papaano gumagalaw at kumikilos ako.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now