CHAPTER 35: COMPLETE

1.6K 49 1
                                    

Quebec's POV
Sabay kami na naglalakad ni Xenon papunta sa loob ng presinto. "Dalawin mo ang mommy mo. Tapos ako kakausapin ko yung hepe para sa pyansa. Susunod ako kung hindi ako magtatagal sa pakikipag-usap."

Tumango ako at naghiwalay kami ng landas nang makarating kami sa loob. Ayoko pa nga siyang iwan para marinig ko rin ang usapan nila pero hindi niya ako pinayagan. Saglit lang naman daw sigurado siya dahil humingi na raw siya ng tulong kanina sa daddy niya bago ito pumasok sa trabaho.

"Mommy." Tawag ko kay mommy nang sunduin na siya ng isang pulis.

Halatang nagulat siya nang makita ako. "Akala ko nasa ibang bansa ka na. Diba flight mo nung nakaraang gabi? Ano nangyari? Nadelay ba ang flight mo?" Tanong niya nang makalapit sa akin.

"Mommy, hindi ako natuloy. Kasi m-may pumigil sa akin tao."

Yumuko ako. Nawala sa loob ko na hindi pa nga pala alam ni mommy ang tungkol kay Xenon at sa mga bata. Sa dami ng nangyari at iniisip ko, nakalimutan ko ang pinakatatago kong sikreto kay mommy.

Kumunot ang nuo niya. "Sino?"

"Mommy, I have to tell you something."

Inipon ko muna ang lahat ng lakas ng loob ko bago ko ibinuka ang bibig ko. "Wag ka magagalit sakin mommy. M-May mga anak na ako a-at yung tao na sinasabi ko sayo na pumigil sa akin na mag-ibang bansa, siya yung ama ng mga anak ko."

"Si Xenon?" Sa halip na siya ang magulat sa pagkakataon na 'to ay ako pa ang nagulat.

"Teka, paano mo nalaman ang pangalan niya?!" Gulat na tanong ko sa kanya.

"Dinalaw nila akong dalawa ni Cassandra nung nakaraang araw. Bago yung gabi ng pag-alis mo. Nagulat nga rin ako nang magpakilala siya sa akin."

Natahimik ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. "Bakit daw sila dumalaw? Para ano?"

"Kasi gusto nilang tulungan ko sila na pigilan ka na umalis ng bansa."

Tumingala ako at inalala ko ang gabi na dinalaw ko si mommy, isang oras bago magsara ang visiting hour. Kaya pala biglang nag-iba ang ihip ng hangin non. Dumalaw ako sa kanya para magpaalam na nang gabi na 'yon at nagtataka ako kung bakit ayaw niya akong payagan. Samantalang nung unang beses na sinabi ko sa kanya na magtatrabaho ako sa abroad ayos lang daw sa kanya at susuportahan niya ako sa gusto ko.

"Nagkwento ba sayo si Cassandra? Knowing her, alam ko na dadaanin ka niya sa kwento kahit abutin pa kayo ng magdamag."

"Sinabi niya lahat. Lahat-lahat. Pero huwag kang mag-alala. Naintindihan ko naman kung bakit mo ginawa 'yon para sa mga bata. Kasi inisip ko rin kung paano nga kung hinayaan mo sa puder natin ang mga bata. Mapapahamak talaga sila tiyak at baka kung ano pa ang pumasok sa isip ni boss kung nalaman niya ang tungkol sa kanila."

Hinawakan ko ang kamay ni mommy. "Thank you mommy. Kapag nakalabas ka talaga rito ipapakilala ko sila sayo ng personal."

"You may meet them later. Makakalabas ka na rin po mamaya." Napabalikwas ako sa pagkakaupo ko nang marinig ko ang boses ni Xenon sa likuran ko.

"Hijo." Tawag naman ni mommy sa kanya.

Nagbless naman si Xenon sa kanya nang makalapit siya saka tumabi sa akin. "Gaya nga ng sabi ko kanina, pwede na po kayo makalabas ng kulungan na 'to mamaya tita. Magpapyansa na ako mamaya kapag dumating yung abogado na kasamahan dati nila mama. Konting tiis na lang po."

Tinabihan ko si mommy nang mag-umpisa itong umiyak. "Salamat hijo."

Yakap-yakap ko lang siya hanggang sa kumalma siya at nang tumawag na ang abogado kay Xenon ay nagpaalam na siya sa amin na lalabas na ulit.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now