CHAPTER 39: FOREVER DREAM

1.8K 51 1
                                    

Quebec's POV
"Mommy, it hurts." Iika-ika si Landon habang papunta sa akin.

Napatayo ako sa pag-aalala. "What happened?" Sabi ko saka ko siya binuhat at dinala sa upuan kung saan ako nakaupo.

"Lanaia pushed me." Sumbong niya sa akin.

Napailing ako at inalo ko siya bago pa siya pumalahaw ng iyak. "Calm down baby. Pagsasabihan ni mommy si Lanaia mamaya. Okay?"

Tumango ito. Ako naman ay inilabas ko ang isang bote ng tubig sa maliit na bag na dala ko at isang puting bimpo na pangpunas dapat ng pawis nilang triplets.

"We need to wash your wound baby." Sabi ko habang binubuksan ko ang bote ng tubig. Marahas siyang umiling at nakita ko sa mga mata niya ang takot.

"Ayaw. Mahapdi." Sabi niya saka yumakap lalo sa akin ng mahigpit.

Hinimas ko ang likuran niya. "We have to. Kapag hindi natin hinugasan 'yan may lalabas na worms diyan." Pananakot ko sa kanya.

Mabilis naman siyang tumingin sa mga mata ko. "Really?" Natatakot na tanong niya.

Naaawa ako sa kanya at gusto ko magsorry dahil sa pagsisinungaling ko pero kailangan ko 'yon gawin. Kasi hindi ko malilinis ang sugat niya at baka mas mapahamak pa siya kung pipiliin ko na hayaan ang sugat niya na may lupa gawa ng dito sila ngayon naglalaro sa playground.

"Opo. Saka hindi 'to mahapdi baby. Wala naman tayong alcohol o kaya sabon kaya kayang-kaya mo 'to." Pagpapalakas ko sa loob niya.

Kita ko na nahihirapan siyang magdesisyon pero sa huli ay hinayaan niya akong hugasan ang sugat niya. Hinihintay ko ang magiging reaksyon niya habang unti-unti kong binubuhusan ng tubig ang sugat niya pero wala naman siyang ipinakitang reaksyon bukod sa pagiging kalmado.

Nginitian ko siya pagkatapos naming mahugasan ang sugat niya. "See? Mahapdi ba gaya ng sabi mo? Nasaktan ba ang baby ko?" Malambing na tanong ko sa kanya.

Nginitian niya ako ng matamis na nagpaalala sa akin ng ngiti ni Xenon. Lalo niyang nagiging kamukha si Landon at Lancelot kapag nakangiti sila. "No po. I love you mommy." Niyakap niya ako ng mahigpit pagkatapos.

Niyakap ko rin siya ng mahigpit at hinalikan sa labi. "I love you too. Ang lambing naman ng baby ko. Go ahead. Play with your siblings." Udyok ko sa kanya.

Tumango naman siya at patakbong pinuntahan si Lancelot na nasa slide. "Careful!" Paalala ko pa sa kanya at pinakawalan ko na siya ng tingin.

Hinanap naman ng paningin ko si Lanaia at nakita ko siya sa swing at may kasama siyang isang batang babae na mukhang mas matanda sa kanya ng konti. Humiwalay siya kay Lancelot at Landon dahil sa mas gusto niyang kalaro ang mga babae kaysa sa mga kakambal niya. Na hindi ko naman masisisi dahil iba talaga ang trip na laro ng mga lalaki sa mga babae.

Nilapitan ko siya dala ang isang bimpo at pinunasan ko siya ng pawis sa likuran. Buti pala ay nilapitan ko siya dahil pawis na pawis na pala ang likuran niya. Kaya naman iniwan ko na lang ang bimpo sa likuran niya para hindi siya matuyuan ng pawis. "Mommy, this is Sharlene. My new playmate." Cute na pakilala niya sa kalaro niya na nahihiya.

"Hello Sharlene. Nice to meet you. Have fun playing with Lanaia." Sabi ko saka ko naman inayos ang pagkakatali ni Lanaia dahil mukha na siyang nakipagsabunutan.

"Mommy, can we have some ice cream?" Nakangusong sabi ni Lanaia at nakaturo ang isang daliri sa nagtitinda ng dirty ice cream.

"Okay. Ako na ang bibili."

"I want my ice cream in the cone." Hirit pa niya.

Bumili ako ng apat na ice cream dahil idinamay ko si Landon, Lancelot at yung Sharlene. Tuwang-tuwa naman silang apat habang kinakain ang kani-kanilang ice cream. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi sila kuhanan ng picture sa cellphone ko. Ilang sandali pa ay lumapit sa akin si Landon.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now