CHAPTER 20: CHAOS

1.3K 35 0
                                    

Quebec's POV
"Hello, Oscar. Bakit napatawag ka?" Bungad ko agad nang sagutin ko ang tawag ni Oscar.

"Ang mommy mo, nahuli ng mga pulis." Sabi nito na kaagad nagpakaba sa akin.

"A-Ano?!" Halata sa boses ko na hindi ko pa naaabsorb ang ibinalita ni Oscar.

"Oo. Susundin kita sa inyo." Sabi pa niya.

"Si daddy? Nasaan si daddy?" Wala sa sarili kong tanong saka nilingon sandali ang mga bata na abala sa pagkain ng ice cream.

Hindi ito agad sumagot kaya lalo akong kinabahan. "Oscar! I'm asking you!" Tarantang sabi ko sa tawag. Ang mga bata tuloy ay napatingin sa akin.

"I'll tell you later when I g-"

"Tell me now!" Atat na atat na sabi ko.

Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot. "He's dead."

Ang mga tuhod ko ay nanginig at parang mawawalan ako ng malay sa sinabi ni Oscar. "Inatake siya sa puso nang mahuli sila ng mommy mo. Tinakbo siya sa hospital pero dead on arrival na."

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" Halos pabulong na tanong ko sa kanya.

"Kararating lang din sa akin ng balita kaya ang tawagan ka ang una kong ginawa. Where are you? Susunduin kita."

Sinapo ko ang bibig ko para walang lumabas na hagulgol mula sa akin. "I'll text you the address."

Pinatay ko na rin pagkatapos ang tawag namin at agad kong binalingan ang mga bata na pinagmamasdan pala ako. Kaya huli na nang punasan ko ang luha sa mga mata ko.

Mabilis na tumakbo papunta sa akin si Lanaia at niyakap ng mahigpit ang mga binti ko. "You okay?" Nag-aalala niyang tanong.

Lumunok ako bago siya sagutin. "I'm not baby. I'll leave you for awhile. Is it okay? I have a family emergency." Pasimple kong pinunasan ang mga luhang sunod-sunod sa paglabas.

Hindi ito nakakibo. Ibinalik ko siya sa mga kakambal niya at agad kong pinuntahan si ma'am Sarah na nasa kusina.

"Ma'am Sarah." Tawag ko sa kanya.

Nilingon niya naman ako habang nagluluto ng merienda. "Oh may problema ba? Parang galing ka sa iyak?"

Nilapitan niya ako kaya nagbaba ako ng tingin. "Ma'am, magpapaalam po sana ako. May emergency po kasi sa pamilya namin. Kailangang kailangan po ako ngayon doo ."

"Nako namumutla ka hija. Hala sige at ako na muna ang bahala sa mga bata." Sabi niya saka hinila ako papunta sa sala kung nasaan ang nga bata.

"Tatawag na lang po ako mamaya kay Xenon kapag nagkaroon ako ng oras. Pasensya na po talaga."

Hinaplos nito ang mukha ko. "Huwag mo ng alalahanin ang trabaho mo. Naiintindihan ka naman namin. Saka emergency 'yon kaya wala kaming magagawa. Ako na muna ang bahala sa mga bata."

Tumango ako at hinalikan sa nuo ang mga bata bago kinuha ang ilang gamit ko sa kwarto at nagmamadaling umalis. Ayaw nga akong paalisin ng mga triplets at nagsiiyakan pa sila pero wala naman akong magagawa sa ngayon. Kailangan ko muna silang tiisin.

Ilang sandali pa ay may huminto na sa aking sasakyan at dumungaw mula sa loob non si Oscar. "Hop in." Sabi niya nang makita ako na agad ko namang sinunod.

"Saan muna tayo? Sa hospital kung nasaan pa ang bangkay ng daddy mo o sa presinto kung nasaan ang mommy mo?" Naiilang na sabi ni Oscar nang maisakay na niya ako sa sasakyan niya.

"Hospital. Wala namang ibang mag-aasikaso sa katawan ni daddy kung hindi ako." Nanghihina kong sabi.

Tumango naman siya at nagdrive na papunta ng hospital kung saan isinugod si daddy. Habang nasa byahe kami ay tinawagan ko si Cassandra.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now