CHAPTER 21: AGONY

1.4K 34 2
                                    

Quebec's POV
Napabuntong hininga na lang ako nang makaupo ako sa sala ng bahay. Napakatahimik at tila binabalot ng lungkot ang bahay namin. Tinignan ko ang picture frame kung saan nakalagay ang family picture namin. Ang bilis ng buhay. Hindi ko lubos akalain na dalawa na lang kami ngayong nabubuhay ni mama. Parang gusto ko na lang din sumunod.

Nahiga ako sa sofa at tinakpan ko ang mga mata ko ng isang braso. Bakit sa amin pa nangyari ang ganitong trahedya? Parang sobra-sobra naman 'tong karma sa pagiging sugalera ng mga magulang namin noon. Pinunasan ko agad ang tumulong luha sa gilid ng mata ko.

Kagagaling ko lang sa pinaglibingan ni daddy. Inilibing ko siya sa tabi ng abo ni Qeena at Queenie. Nandoon din si mommy kanina pero agad din siyang dinala ng mga pulis pabalik sa kulungan nang maisara na ang libingan ni daddy.

Walang buhay akong nagtungo sa kwarto ko para mag-ayos saglit ng sarili. Wala akong oras na dapat sayangin. Kailangan ko ng makausap si boss. Sabi nila Oscar ay may gusto raw itong sabihin sa akin kaya bago ako bumalik sa bahay nila Xenon ay aasikasuhin ko muna ito.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay umalis na rin ako ng bahay para pumunta sa lugar kung saan ako pinapupunta ni boss. Gamit ang sasakyan ko ay nagmaneho ako papunta roon at kulang kalahating oras din ang inabot ko.

Pagkarating ko sa malamansyon na bahay ay agad akong dinala ng isang bodyguard sa kwarto kung saan daw naghihintay na si boss. Nakasunod lang ako sa kanya habang naglalakad kami. Kinakabahan ako habang papalapit kami sa kwarto kung nasaan siya kaya hindi ko gaanong matignan ang ganda ng loob nitong mansyon.

Marami kaming pintuan at kanto na nilagpasan bago kami huminto sa isang pinto na kulay dark blue. Kumatok ang kasama ko bago niya binuksan ng bahagya ang pinto.

"Pwede ka ng pumasok. Maghihintay ako rito sa labas para hindi ka maligaw palabas." Tumango ako at dahan-dahang binuksan ang pinto. Talagang maliligaw ako paglabas dahil hindi ko naman natandaan ang mga dinaanan namin. Sa laki ba naman nitong bahay.

Nang magkaroon ng sapat na awang ang pinto ay pumasok na rin ako at isinara ko ito ng walang gaanong ingay. Nang mag-angat ako ng tingin sa paligid ay nakita ko si boss na abala sa pagpirma sa mga papel habang ngumunguya ng chewing gum. Marami ring baril sa paligid na mistulang display sa office niya. Gumagana kaya lahat ng 'yon?

"Maupo ka Quebec." Medyo nagulat pa ako nang magsalita siya.

Mabilis ko namang pinuntahan ang isang upuan kung saan ako pwedeng umupo. Nag-iwas ako ng tingin nang mag-angat siya ng tingin sa akin.

"By the way, condolence." Umpisa niya.

Huminga ako ng malalim at iniba ko agad ang usapan. Ayoko man aminin, alam ko sa sarili ko na isa si boss sa mga sinisisi ko kung bakit wala na si daddy ngayon. "Hinahanap mo raw ako, boss?"

"Oo. May isang agreement lang ako na ihahain sayo. Ngayon na wala na ang ama mo at nakakulong ang ina mo, alam ko na mahirap para sayo kung sayo mapupunta lahat ng natitirang utang nilang dalawa. Hindi ba?"

Sinalubong ko ang tingin niya saka tumango. "Oh! I miss that beautiful face! I planned to marry you instead, as payment for your parents' debt. Pero may isang sikreto ka na nalaman ko." Nagtaasan ang mga balahibo ko sa sinabi niya. "Sikreto na pati ang mga magulang mo ay hindi alam." Ngumiti ito at umiling-iling.

"Kaya iniba ko na lang yung nilagay ko rito sa bagong kontrata. Hindi halata sa itsura mo na may anak ka na pala. At triplets pa." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Lalo siyang nangiti nang makita niya ang reaksyon ko. "You're a hot mama. Pero hindi ako pumapatol sa mga kagaya mo, Quebec."

"Where's the new contact. Let me read it." Pagbabago ko sa usapan. Mahirap na kung madamay pa rito ang mga anak ko. Hindi na dapat niya inungkat ang tungkol sa mga anak ko.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now