CHAPTER 26: HEAL

1.5K 39 1
                                    

Cassandra's POV
Pagpasok ko sa loob ng kwarto ni Quebec ay hindi ko maiwasan na maiyak. Papatayin ba talaga niya ang sarili niya?! Nilapitan ko siya habang ang dalawang kasama ko naman ay naupo sa dalawang upuan na plastic na nasa tabi.

Buti at umihi ako kaninang 1 ng gabi kaya nang bumalik ako sa kama ko ay napansin ko ang cellphone ko na umilaw. Kaya kinuha ko ito at doon ko nabasa ang message sa akin ni Quebec. Nang malaman ko kung nasaan siya ay nagpasama agad ako sa kapatid ko na nasa bar nung mga oras na 'yon.

Sinabi niya sa akin na hindi pwedeng kami lang dalawa dahil delikado talaga sa dinaanan namin. Kaya naman nagpasama pa kami sa mga barkada niya na kasama niya sa bar. Kahit papaano ay nagpapasalamat ako sa mga barkada niya dahil sumama naman sila nang ayain sila ng kapatid ko.

Nagpaiwan na nga lang sila sa labas nitong hospital para magpahangin at balak nilang mamayang umaga na lang umuwi kung kailan tirik na ang araw para hindi na delikado sa dadaanan nila. Pinagmasdan ko ang katawan ni Quebec habang mahimbing siyang natutulog. Nababaliw na yata talaga ang babae na 'to!

Ito na nga ba ang sinasabi ko at kinakatakutan ko. Ganitong-ganito siya dati nung namatay si Qeena at Queenie. Mas mabigat pa ang problema niya ngayon dahil sa patong-patong at sunod-sunod ang dating ng problema sa kanya kaya nga hanggat pwede ay ayoko siyang nawawala sa paningin ko.

Gusto ko sana siyang gisingin para magtanong pero halatang kulang ito sa tulog kaya naman pinatawag ko na lang ang doktor na tumingin sa kanya para siya na lang ang tanungin ko.

"Mga ilang araw pa po ba siya magtatagal dito dok?" Tanong ko sa doktor nang makapasok na ito sa kwarto kung nasaan kami.

"Sa ngayon, kailangan ko pa siyang obserbahan. Kapag mas mabagal ang recovery niya ay mas matagal siya rito pero kung mabilis naman ang paggaling niya, tatlong araw na ang pinakamatagal."

Huminga ako ng malalim at naupo sa paanan ng kama ni Quebec. "Pwede ko po ba siyang ilipat ng hospital? Ang layo po kasi ng bahay namin dito. Hindi ko po siya mababantayan lagi dahil may trabaho rin po ako kaya mas mabuti sana yung malapit lang samin. Para kahit pagod ako sa trabaho ay pwede ko siyang silipin kahit sandali lang."

Naiisip ko pa lang na magpabalik-balik sa kay layong lugar na 'to ay alam ko na mahihirapan ako. Hindi ko ba naman alam dito kay Quebec kung bakit hanggang dito ay nakarating pa siya. Tapos naaksidente pa siya rito. Paano kung hindi na siya nabuhay pa sa aksidente? Sigurado na walang makakakilala sa kanya rito. Hindi talaga siya nag-iisip minsan.

"Pwede naman." Maikling sagot nito.

Nag-usap pa kami ng ilang bagay hanggang sa nagpaalam na ang doktor. Inutusan ko ang kapatid ko na bayaran ang bill dito sa hospital habang hinihintay ko na magising si Quebec. Pinasadahan ko ng tingin ang kwarto. Kanina nang nasa labas pa kami nitong hospital ay maliit lang din ang hospital at hindi lahat ng sakit ay maaaksyunan dito. Parang pinalaking clinic lang 'to sa gitna ng hindi gaanong mataong lugar. Mas mabuti pa nga na ilipat ko siya ng hospital dahil napakaliit nitong kwarto niya rito at hindi ganon kakomportable.

"Cassandra?" Nang marinig ko ang boses niyang sobrang hina ay nilingon ko siya.

Nilapitan ko siya nang makita ko na gising na nga siya. Hinawakan siya ng marahan sa kaliwa niyang siko. "You okay?"

"Yeah." Sabi niya at nagbalak umupo mula sa pagkakahiga kaya tinulungan ko siya.

"Look what you did to yourself. Hindi ka nag-iingat. Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Ang dami mo na ngang problema tapos gusto mo panibagong problema na naman." I reminded myself earlier that I will not toast her but I can't stop myself.

Ang babae na 'to ang hirap kasing pagsabihan. Walang kadala-dala kaya kailangan paulit-ulit ka sa kanya. Kaya nga rin nagkaroon ng triplets. Sa kapasawayan niya, naglasing siya ng husto hanggang sa may mangyari sa kanila ni Xenon.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now