CHAPTER 27: LISTEN

1.5K 38 2
                                    

Cassandra's POV
Pagkasakay ko sa kotse ko ay dumiretso muna ako sa isang grocery store bago tuluyang magmaneho papunta sa Pagudpud. Malayo rin ang byahe ko kaya kailangan ko ng konting snacks habang nasa byahe. Saka maggogrocery na rin ako para may pagkain kami ni Quebec habang nagbabakasyon ako roon.

Pagkarating ko sa grocery store ay kumuha lang ako ng kumuha ng pwede kong kainin sa daan at syempre ang mga pagkain na dadalhin ko roon. Lahat ng magustuhan ko ay kinukuha ko.

"Mahilig sa soup ang isang 'yon." Bulong ko nang makarating ako sa noodles section at kumuha ako ng ilang balot ng iba't ibang flavors ng noodles.

Nagpatuloy pa ako sa pamimili hanggang sa napunta ako sa mga junk food at candies section. Wala naman akong hilig sa mga 'yon kaya dinaanan ko lang.

"Oh!" Nagulat ako nang may yumakap sa gawing hita ko sa likuran.

Napahinto tuloy ako sa paglalakad at binalingan kung sino ang yumakap sa akin. Nang humarap ako sa kanya ay malaking ngiti sa labi ang ibinigay niya sa akin. Lalo niyang nagiging kamukha si Quebec.

Binitawan ko ang cart ko at bumaba ako para magpantay kami. "Hi baby!" Sabi ko saka ko siya niyakap. Niyakap niya rin ako pabalik at saka ko narinig ang pagtawag ni Xenon sa kanya.

"Lanaia!"

Naghiwalay din kami agad sa yakap. "Pumayat ka yata baby." Sita ko rito nang mapansin ko na hindi naman siya ganito kapayat nung huling pagkikita namin.

Nag-angat ako ng tingin nang kunin siya ni Xenon sa akin. "Hi." Alanganin kong bati sa kanya. Ngayon na lang ulit kami nagkita pagkatapos nung gabi na nalaman niya na si Quebec ang ina ng mga anak niya. Alam kaya niya ang mga pinagdaanan ni Quebec?

"Why did you run away?! Paano kung nawala ka." Medyo galit na sabi nito sa bata. Doon ko napansin na kasama rin pala si Landon pero wala si Lancelot.

Tinuro ako ni Lanaia habang nakangiti. "I saw her." Tumingin sa akin si Xenon bago inaya ang mga anak na bumalik na sa cart nila.

Sumunod naman na ang mga bata pero hindi ako nagpatinag. "Come on Xenon! Galit ka pa rin?" Mahinahon kong sabi na nagpatigil sa kanila sa pag-alis.

Bumaling siya sa akin. "Ano sa tingin mo?" Masungit na sabi niya.

Umiling ako. "Quebec is not in a good condition right now." Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan ang mga bagay na 'yon.

"Honestly, I don't really care." Masungit pa rin na sabi niya at hinila na ulit ang mga bata paalis.

Tinulak ko agad ang cart ko para sundan sila. "Talaga? Wala kang pake sa ina ng mga anak mo?"

"Wala naman siyang pake sa mga bata, kaya bakit magkakapake ako sa kanya." Sagot nito habang nakatingin sa daan.

"Akala mo lang 'yon. Ikaw lang ang nag-iisip niya. Hanggang kailan mo hahayaan na lamunin ng galit 'yang puso mo? Kung meron ditong walang pake sa mga bata, ikaw 'yon. Kasi kung may pake ka sa kanila, hahayaan mo si Quebec na magpaliwanag sayo at hindi mo siya paaalisin sa bahay niyo ng ganun-ganon na lang."

Huminto ito sa paglalakad pero sa pagkakataon na 'to ay ako na ang dumiretso ng lakad at hindi ko na sila pinansin pa. May ilan pa sana akong gustong bilin pero nawala na ako sa mood kaya dumiretso na lang ako sa cashier. Ayokong makipag-usap sa taong makitid ang utak.

Marami-rami naman na ang nabili ko kaya wala naman ng problema. Nagmamadali akong umalis ng grocery store na 'yon saka ako nagmaneho na papunta sa Pagudpud.

Xenon's POV
"Mukhang matamlay ka yata. Kanina nung pag-alis naman natin hindi ka ganyan." Sita ni mama nang mapansin niya na hindi na ako kumikibo mula kanina nang magkita kami sa cashier ng grocery store.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now