CHAPTER 4: STRESS RELIEVERS

2K 57 1
                                    

Xenon's POV
"Boss Xenon nasira po yung isang heavy-duty na refrigerator. Sinubukan na po naming ilipat yung ibang laman sa isa pang refrigerator pero hindi po kasya lahat. Wala pa po sa kalahati ang nailagay namin sa ibang ref. Masisira po yung mga karne at ibang gulay na hindi maaagapan." Bungad sa akin ng isang staff ko nang mapagbuksan ko siya ng pinto ng opisina ko.

Walang pagdadalawang isip kong iniwan ang opisina ko at sabay kaming pumunta sa kitchen area at doon ko nakita ang dalawang chef na namomroblema sa nangyari. Tinawag ko silang dalawa at nilapitan. "Anong nangyari sa ref?" Usisa ko at halatang nakapatay na ang ref.

"Kumuha ako ng karne Boss Xenon para sana sa lulutuin kong order ng customer. Pagbukas ko ng ref wala ng ilaw at mahina na yung lamig kaya pinatignan ko rito kay Chef Arnold kasi siya ang huling nakita ko na nagbukas nitong ref." Sabi ni Chef Stan.

"Boss nung kumuha ako ng gulay ayos pa naman 'yan. Natakot kami na baka lalong masira kaya hinugot muna namin saka sinalin yung ibang laman sa ibang ref. Kaya lang po hindi kasya lahat." Sabat ni Chef Arnold.

"Ganito na lang. Pakilagay na lang sa mga styro box na nasa likuran yung mga karne at gulay na hindi na magkasya sa ibang ref at iuuwi ko sa bahay. Pamilya ko na lang ang makikinabang at bibili na rin ako ng bagong ref ngayon pero papatignan ko pa rin 'yang sira. Sayang naman kung itatapon na. Baka may palitin lang sa pyesa." Sinunod naman nila ang inutos ko.

Ako naman ay lumabas ng restaurant para tawagan ang kaibigan ko na may kakilalang technician. "Pare may number ka pa ba nung technician na pinag-ayos ko ng aircon sa kwarto nila mama? Nasira kasi yung isang ref ko rito sa restaurant. Baka pwede pang magawa."

"Bakit pare ano ba sira?" Tanong ng kumpare ko.

"Bigla na lang namatay kahit nakasaksak pa. Nakita na lang ng isang chef ko na wala ng ilaw at hindi na ganon kalamig nung kumuha siya ng karne." Paliwanag ko pa.

"Ah sige. Magagawa pa siguro 'yan. Text ko na lang sayo yung number para matawagan mo na. Kayo na lang ang mag-usap."

"Sige salamat pare."

"Okay."

Pagkatapos niyang patayin ang tawag ay naghintay ako ng ilang minuto para sa text niya. Nang makuha ko ang number ng technician ay tinanong ko kung maaayos pa ba ang refrigerator at sabi niya ay may mataas na chance naman na mabuo pa raw. 'Yon nga lang bukas pa raw niya matitignan kasi may ginagawa siya ngayong tv.

Pumasok na ulit ako sa loob nang makausap ko na ang technician at para makapagpaalam sa kanila na aalis ako para bumili ng bagong ref. "Tatawag na lang ako kapag ngayon o bukas na idedeliver yung ref na bibilhin ko. Hindi ko alam kung anong oras ako makakabalik mamaya o kung makakabalik pa ba ako. Just wait for my call okay?" Sabi ko sa tatlong staff na nilapitan ko. Nagsitanguan naman sila at sinabihan akong mag-ingat.

Pagkarating ko sa kotse ko ay katatapos lang ipasok ng ilang staff ang mga styro box na naglalaman ng ilang karne at gulay na iuuwi ko sa bahay bago ako dumiretso sa mall para bumili ng ref. Gaya ng plano ko ay inuwi ko na nga ang nga dapat iuwi. Naabutan ko si mama na nakagayak at mukhang paalis pagkarating ko.

"Ma aalis ka? Ang mga bata?" Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin kaming nahahanap na tagapag-alaga ng mga bata.

"Oh napaaga ata ang uwi mo?" Gulat na tanong ni mama.

Sinabi ko sa kanya ang nangyari sa restaurant. "Tamang-tama at pupunta kami ng mga bata sa mall para maglibang. Sayo na kami sasabay sa halip na magtaxi kami." Kasabay non ay ang pagtakbo papalapit sa akin ng mga bata.

Nakaporma ang mga ito at mukhang paalis na nga sila. "Dada! You going with us today?!" Landon said, obviously excited.

"I'm not sure baby. I still have work to do." Napasimangot ito.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon