CHAPTER 7: ATTACHED

2.2K 61 1
                                    

Quebec's POV
"Smells good." Lanaia said when the aroma of the egg pie that I'm baking fills the kitchen.

"Really baby?" Malambing kong tanong sa kanya.

Tumango naman siya at nilaro ulit ang manika niya na nasa mesa. Kaming dalawa lang ang nandito sa kusina dahil tulog pa si Landon at Lancelot. Kahapunang tapat pa at oras pa talaga ng tulog nila. Kaya lang 'tong si Lanaia ay ayaw matulog at gusto raw niyang kumain.

Tinanong ko naman siya kung ano ang gusto niyang kainin at ang sinagot niya naman sa akin ay pie. Any kinds of pie will do, what she said exactly. "I hope that you'll love the taste of it too, sweetheart."

"You call me sweetheart?" Paglilinaw niya.

Tinignan ko siya sa mga mata niya bago ako sumagot. "Yeah. You don't want me to call you sweetheart?"

Akala ko ay nagalit siya sa itinawag ko sa kanya pero hindi naman at nginitian pa niya ako ng malaki. "I like it. You can call me sweet names yaya."

Nilapitan ko siya para kilitiin. "How about, honeybunch? Cutiepatotie? Munchkin?"

Humagikgik siya nang humagikgik sa pagkiliti ko sa kanya at 'yon ang naabutan ng lola niya. Si ma'am Sarah. Nakangiti itong naglakad papunta sa lababo.

"Seems like Lanaia likes you Quebec. She's not that attached to their previous nannies." She stated.

Nakangiti akong lumapit sa oven para tanggalin na ang niluto kong mga cute na egg pie. "I'm glad ma'am. Wala naman po akong ibang hangad kung hindi ang maging masaya ang childhood ng triplets habang nasa pangangalaga ko sila."

Nakangiti pa rin ito na lumingon sa akin. "You really like kids huh?"

"Yes po ma'am. Ma'am nagbake po ako ng egg pie. Pasensya na po kung nangialam ako sa mga gamit dito sa kusina. Si Lanaia po kasi nagpapaluto ng pie."

Umiling ito. "No problem Quebec. Patikim nga ng isa ng masintensyahan na natin." Lumapit ito sa tray na may lamang maliliit na egg pie saka tumikhim ng maliit na kurot.

"It's nice. Marunong ka pala magbake. Paturo naman ako magbake nito sa susunod." Sabi niya at kinuha na ang isang maliit na egg pie na mainit pa.

"Sige po ma'am. Thank you po at nagustuhan niyo."

Lumapit ito kay Lanaia at hinalikan ang apo sa nuo. "You foodie girl. Huwag masyadong matakaw Lanaia. Nakakataba 'yon apo."

Tumango naman si Lanaia saka lumapit na sa akin. Ang lola naman niya ay lumabas na ng kusina. "Yaya how about let's have some picnic in the garden and let's spend our whole night there later?"

Ano na naman kaya ang naisip ng bata na 'to. "Whole night?" Paniniguro ko pa kung tama ang narinig ko.

Tumango siya saka sinundot ang isang egg pie. "Yes. Tita Cassandra bought a very big tent for us. We can use that!" Halata na excited siya sa ideya niya na 'yon.

Hinaplos ko ang ulo niya. "We have to inform your daddy first. Baka hindi siya pumayag na sa tent kayo matulog at sa garden area pa."

"Okay." Inalalayan ko siya pabalik sa upuan niya saka ko siya sinubuan ng egg pie.

Nang mabusog siya ay bumalik na kami sa kwarto ko kung saan natutulog si Landon at Lancelot. Sa ilang araw kong pamamalagi rito ay dito na sila lagi natutulog tuwing hapon. Kaya wala akong gaanong alalahanin at naiiwan ko sila minsan para gawin ang ibang bagay. May sarili na nga silang mattress dito sa kwarto ko kaya sumikip pero ayos lang. Basta masaya sila ay kontento na ako roon.

"Yaya we can also bring some midnight snacks later in the tent." Pabulong na sabi ni Lanaia nang ihiga ko siya sa tabi ng mga kakambal niya.

Pasimple akong natawa. Hindi niya na naman ako titigilan sa bago niyang trip. Sana lang ay payagan kami ni sir Xenon dahil kung hindi ay talagang iiyak 'tong prinsesa niya.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now