CHAPTER 28: HOME

1.5K 43 0
                                    

Quebec's POV
Nagising na lang ako nang marinig ko si Cassandra na may kausap sa cellphone.

"Okay bye." 'Yon ang huling narinig ko saka ito nagpatuloy sa pagmamaneho.

Napahikab ako bago nagtanong. "Malapit na ba tayo?"

"Yeah. Mga 20 minutes na lang." Sagot niya.

Sumilip ako sa bintana at pamilyar na nga sa akin ang mga nadadaanan namin. I'm back! Sumabay na ako pauwi kay Cassandra. Dala-dala ko na rin ang gamit ko noon nung dinala niya ako sa Pagudpud. Mag-aayos na kasi ako ng papeles para makapagtrabaho sa abroad kaya kailangan kong umuwi.

"You okay?" She asked while stIll focus on driving.

"Yeah. Why I wouldn't be okay?" Sagot ko naman sa kanya pabalik.

"Wala lang. Bumalik ka na rito sa reyalidad. Hindi mo ba bibisitahin ang mommy mo saka ang triplets?"

Hinawakan ko ng mahigpit ang seatbelt ko. "Si mommy bibisitahin ko. Ang mga bata, baka hindi na."

Doon siya napatingin sa akin. "Ha?! Bakit naman? Sigurado ako na miss ka na nung mga 'yon. Diba sabi ko sayo hayaan mo lang yung galit sayo ni Xenon!"

Umiling ako. "Hindi naman galit ni Xenon ang iniiwasan ko. Baka kasi kapag nakita ko ang mga bata, magbago ang isip ko at hindi na ako umalis."

"Mas mainam nga kung hindi ka na aalis. Pwede ka namang magtrabaho rito para makaipon. Bakit sa ibang bansa pa?"

Si Cassandra talaga ay hindi sangayon sa pag-alis ko para magtrabaho. Lagi niyang ginigiit sa akin na pahihiramin niya na lang ako ng pera pangpyansa ni mommy. Pero hindi lang naman kasi pyansa ni mommy ang inaalala ko. Kailangan ko ring paghandaan ang kinabukasan namin ni mommy sa oras na makalabas na siya. Kaya kailangan ko talagang mag-ipon.

Dahil kung hindi ko gagawin 'yon ay saan kami pupulutin ni mommy kapag nakalaya siya. Kailangan stable ang financial namin para sa uupahan, kuryente, tubig at pagkain. Kung dedepende ako kay Cassandra, mababaon ako ng husto sa kanya. May option naman ako kaya wala namang problema. 'Yon nga lang malayo yung opportunity na nakuha ko.

"Alam mo, huwag mo na lang sagutin. Paulit-ulit lang din naman yung sinasagot mo sakin kasi paulit-ulit lang din ako na ayaw kitang paalisin." Sabi niya nang hindi ako makasagot sa tanong niya.

Nawalan na kami ng imik pagkatapos ng usapan namin na 'yon. Wala naman na kasi akong maisip na topic kasi kanina pa kami nagdadaldalan bago ako makatulog. Pagkarating namin sa bahay nila ay naabutan namin ang mommy niya na gumagamit ng thread mill sa sulok ng sala nila. Dahil gabi kami umalis sa Pagudpud ay umaga na kami nakarating dito sa lungsod.

Inabutan na kami ng pagsikat ng araw sa daan pero hindi kami nag-agahan sa mga stopover dahil bukod sa may baon kaming ilang pagkain ay sinabi raw ng mommy ni Cassandra na rito na kami mag-agahan.

Tumigil sa ginagawa ang mommy ni Cassandra nang mapansin na nandito na kami. Nakangiti itong pumunta sa amin at nakipagbeso sa amin ni Cassandra. "Kanina ko pa kayo hinihintay. Tara na sa kusina. Sakto at halos katatapos ko lang sa pagluluto ng mainit na sabaw. Alam ko na napagod kayo sa byahe. Lalo na ang anak ko dahil siya ang nagmaneho."

Dumiretso naman kami ni Cassandra sa kusina at masaya kaming ipinaghain ng mommy niya. "Kain po tayo tita." Aya ko sa kanya nang magsimula na kaming magsandok ni Cassandra.

"Kumain na ako hija. Sumabay ako sa daddy ni Cassandra kanina bago siya umalis."

Nagpaalam itong babalik na sa pag-eexercise kaya kami na lang ni Cassandra ulit ang magkasama. "I miss my mom's dishes." Sabi ko habang kumakain kami.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon