CHAPTER 19: BOUNDARY

1.4K 41 1
                                    

Quebec's POV
"Mommy, can you please help me wash Claudine?" Lanaia said while walking towards me and she's carrying Claudine. Her favorite doll.

Agad ko naman siyang nilapitan. "Why? What happened to your doll?"

Sumimangot ito at tinignan ng masama si Lancelot. "Lancelot happened! He spilled his drink in Claudine's dress!" Inis na sabi nito.

Hinawakan ko siya sa kamay at hinila sa banyo rito sa may kusina. Na kay Xenon kasi ang mga bata ngayong araw dahil linggo at wala siyang pasok sa restaurant. Kaya naman medyo magaan ang trabaho ko ngayong araw.

Hinubad ko ang damit ng manika ni Lanaia at inutusan ko siya na punasan ang katawan ng manika niya na ngayon ay malagkit na. "I hate Lancelot! He hates my doll." Nakasimangot na sabi nito kaya pinigilan ko ang tawa ko.

"Don't hate your twin, baby. Maybe Lancelot hate your dolls because you often play with your dolls. I think Lancelot just want to show you that he and Landon also wants to play with you."

"But they always play with their cars and trucks! I don't like those kind of toys. So boyish!" Dagdag pa niya.

"I understand. But don't hate your twins."

Nang matapos naming linisin ang manika niya ay dinala namin ito sa garden kung saan may araw at nang mapatuyo namin ang manika niya. Sa halip na pumasok na ulit kami sa loob pagkatapos naming mabilad ang manika niya ay naglaro muna kami sa garden. Nakita niya kasi ang pala na ginagamit ni ma'am Sarah sa pagtatanim at may naisipan na naman itong si Lanaia.

Binabantayan ko siya habang naghuhukay siya sa lupa tapos ibabalik din naman niya ang lupang hinukay niya kapag nakapaglibing na siya ng patay na dahon na nakuha lang namin sa paligid.

"Poor leaf." Malungkot na sabi niya habang tinatabunan ang patay na dahon ng lupa.

"Where did you learn to bury?" I asked her.

Tumingin siya sa akin saglit bago nagpatuloy sa ginagawa.

"On television." Sagot naman niya.

Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya hanggang sa may gumulat sa aming dalawa.

"Anong ginagawa niyong dalawa ha?Kaya pala nawawala kayo sa loob ng bahay." Sabi ni Xenon matapos niya kaming gulatin.

"Look dada! I buried a leaf!" May pagmamalaking sabi ni Lanaia saka tinuro ang binungkal niya na lupa na unti-unti rin naman niyang binalik sa dati.

"You buried a what?" Hindi makapaniwalang tanong tuloy ng ama niya.

"A leaf." Tipid namang sagot ng isa.

Binuhat na ito ni Xenon at hinalikan sa nuo. "You smell like soil Lanaia. Let's go inside. Quebec, paliguan mo na sila."

Tumango ako at sumunod na ako papasok sa loob at pinaliguan ko na ang mga bata. "Dada join us!" Aya ni Landon sa ama nang sumilip ito sa banyo habang pinapaliguan ko sila.

"Next time kids." Sagot naman ng ama nila at iniwan na kami sa banyo.

Pagkatapos ko silang paliguan ay binihisan ko na sila at pinabanguhan. "Love you mommy." Landon said while I'm combing his hair.

Nag-iwas ako ng tingin dahil bigla ay naluha ako. "Mommy? You don't love me?" Dagdag tuloy niya.

"I love you baby. Why did you asked?" Sabi ko sabay punas sa mata ko na nanubig.

"Because you didn't say i love you back to me."

"I did." Pinilit kong ngumiti sa harap niya.

"But late." Nakasimangot na sabi niya pero yumakap naman sa akin.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon