CHAPTER 15: HATE

1.5K 41 2
                                    

Quebec's POV
"Quebec, thank you for giving me your five days. I hope that you didn't regret anything." Panimula ni boss nang maghihiwalay na kami ng landas.

Kabababa lang namin ng eroplano galing Guam at magkaiba kami ng direksyon pauwi kaya kailangan na naming magpaalam sa isa't isa.

"Naging masaya naman ako sa limang araw na namasyal tayo sa Guam. Ingat ka rin boss sa pupuntahan mo." Tumango siya sa akin habang nakangiti.

"Yeah. See you soon." Mabilis niyang kinuha ang kanang kamay ko at hinalikan niya ang likod non. Pagkatapos ay kinindatan ako at lumapit sa itim na kotseng medyo malapit dito sa pwesto namin.

Pagsakay niya sa sasakyan ay hindi pa muna siya umalis. Binuksan niya muna ang bintana kung saan siya malapit saka kumaway sa akin. Kumaway din naman ako pabalik bago ko hinila ang mga maleta ko para makaalis na rin ng airport.

Sinubukan naman akong ihatid ni boss sa bahay namin pero ako na mismo ang hindi pumayag. Bukod kasi sa nahihiya ako ay nararamdaman ko na mas nadadagdagan ang pag-asa niya sa akin. Na ayokong mangyari.

Kagabi kasi bago ako matulog ay inisip ko ang mangyayari kung sakali na magkaroon nga ng something sa pagitan namin ni boss. Ayoko ng mga ideya na pumapasok sa isip ko kahit na nga ba siya naman mismo ang nagsabi na unti-unti na niyang tinatalikuran ang ilegal na negosyo niya.

Bukod don, may isang sekreto ako na kahit kanino ay pinakatatago ko na siyang nagpapahirap sa akin na pumasok sa isang relasyon. Pati ang nga ang mga magulang ko ay walang kaalam-alam sa sekreto ko na 'yon. Tanging si Qeena, Queenie at Cassandra lang ang nakakaalam ng lihim ko na 'yon.

Hindi rin nagtagal ay nakahanap na ako ng taxi at nagpahatid ako sa bahay namin. Ayoko muna kasi dumiretso sa bahay nila Xenon kahit na gustong-gusto ko ng makita ang mga bata. Marami kasi akong tanong sa mga magulang ko at ilang araw na rin akong hindi mapakali na makausap sila ng personal. Ilang beses ko na rin kasing sinubukan na kausapin sila sa cellphone pero hindi nila ako sinasagot.

Habang nakasakay sa kotse ay binalingan ko ang dalawang maleta na nasa tabi ko. Isa lang ang dala ko papunta ng Guam kung saan nakalagay ang mga damit ko habang ang isa naman ay naglalaman ng mga pasalubong ko sa mga bata. Yung isang maleta ko na dala papunta ng Guam na akala ko ay may lamang ipinagbabawal na gamot ay hindi ko alam kung saan na dinala ni boss. Basta ang sabi niya ay siya na ang bahala roon.

Baka mamaya ring hapon ay umuwi na ako sa bahay nila Xenon. Alam ko na nag-uumpisa ng magtampo sa akin ang mga bata dahil ilang beses na nila akong kinulit sa video call na umuwi na raw ako. Palagi ko silang kavideo call sa umaga paggising nila at sa gabi bago sila matulog. May mga oras din na hindi ko nasasagot ang video call nila lalo kapag tanghaling oras at nasa galaan kami ni boss.

Ang pinakamasasabi ko sa naging setup namin ni boss ay okay. Hindi naman awkward at hindi naman ganon kaperfect. Kung irerate ko naman mula 1 hanggang 10 at pinakamataas ay 10, ang ibibigay ko ay 7. May mga pagkakataon kasi na naiilang pa rin ako sa kanya nung lumalabas kami na sa tingin ko ay dahil sa boss nga namin siya o kaya minsan ay dahil sa tingin niya.

Naramdaman ko naman na ginawa niya ang lahat para maentertain ako pero ni isa sa mga 'yon ay wala akong naramdaman na kilig. Siguro kasi dahil una hindi naman siya ang tipo kong lalaki kahit na pogi naman siya at marami siyang katangian na magugustuhan mo. Isa rin siguro sa rason kung bakit hindi ako nagkainteres sa kanya sa limang araw naming magkasama ay dahil sa ang presensya ni Xenon ang hinahanap-hanap ko.

Ilang beses ko na nga ring kinontra ang sarili ko dahil amo ko siya at alam ko na wala naman akong tyansa sa kanya. Mukhang hindi naman ako pasado sa standards niya at naaalala ko pa ang sinabi niya na masaya na siya sa piling ng triplets. Tuwing kausap ko nga ang mga bata sa video call ay nakikita ko siya na pasimpleng dumudungaw sa camera minsan at kahit sa simpleng galaw niya na 'yon ay kinikilig na agad ako.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now