CHAPTER 2: BONDING

3K 73 0
                                    

Xenon's POV
Sinara ko ang pinto ng kwarto ko paglabas ko habang karga si Lancelot na unang nagising kaysa sa dalawa. Habang binabaybay namin ang hallway papunta sa kwarto ni daddy at mama ay nakasalubong ko si daddy.

"Oh good morning Lancelot. Are you hungry?" Pagkausap ni daddy kay Lancelot nang makalapit sa amin at kinuha niya sa akin ang makulit na bata na hindi naman umangal.

"Puntahan ko sana si mama para sana magpatulong ibaba si Lanaia at Landon." Sabi ko nang makuha na niya sa akin ng tuluyan si Lancelot.

"I heard what Brenda did to the kids yesterday. Kung nandito lang ako kahapon at naabutan ko ang nangyari, aba malamang sa malamang nasampal ko 'yon dahil sa ginawa niya sa mga apo ko." Kita ko ang galit ni daddy habang sinasabi niya ang bagay na 'yon.

Huminga ako ng malalim. "Hayaan mo na daddy. Pinaalis ko naman na siya. Kaya lang sa ngayon kay mama muna maiiwan ang mga bata habang hindi pa ako nakakahanap ng kapalit ni Brenda."

"Kaya pa naman ni mama mo na alagaan ang mga apo namin. Magpapatulong na lang muna siya sa mga kasambahay natin. Marami naman tayong kasambahay kaya walang problema. Ako na magbababa kay Lancelot at puntahan mo na yung dalawa. Baka mamaya lumabas ng kwarto 'yon at dumiretso sa hagdan mahulog pa. Si mama mo nauna na sa baba para magluto ng agahan."

Tumango ako at naghiwalay na nga kami ng landas ni daddy. Pagbalik ko sa loob ng kwarto ko ay tulog pa rin si Lanaia at Landon. Marahan ko silang binuhat sa magkabila kong braso saka dahan-dahang bumaba ng hagdan para hindi kami mahulog. Pagkarating ko sa sala ay nailatag na ni daddy ang kutson at playing mat. Doon ko binaba ang mga anak ko habang si Lancelot naman ay nasa kusina na raw at umiinom ng gatas.

Nang tuluyan ko silang maayos na dalawa sa pagkakahiga ay nagpunta na rin ako sa kusina. Nakapirmi na nga ang bunso ko at may hawak na itong tinidor na may hotdog. Hinalikan ko ito sa nuo bago ako tumabi sa kanya ng upo. "That's your breakfast for today Lancelot?" I said while I'm scooping some rice from the big plate.

"Hmm." Tanging sabi niya saka sinamahan ng pagtanggo.

Naiiling ko siyang sinubuan ng konting kanin na tinanggap naman niya. "Oh kape mo." Mama said then she put a mug near my plate. Umupo na rin siya sa tabi ko pagkatapos.

"Si dad?" I asked when I noticed daddy is not here in the dining table joining our breakfast.

"Doon daw siya sa duyan magkakape. Presko raw ang hangin doon e." Sagot naman ni mama.

"Ma, ayos lang ba na sayo ko muna iwan ang mga bata? Maghahanap din agad ako ng mag-aalaga sa kanila. Pakikiusapan ko na lang din muna yung ilang kasambahay natin na tulungan ka at dadagdagan ko na lang ang sahod nila." Nahihiya kong pakiusap ko kay mama.

Nakangiti naman itong tumango. "Walang problema. Ako muna ang bahala sa mga apo ko."

"Good morning." Narinig kong bati ni daddy mula sa pinto ng kainan at nang lingunin namin siya ay buhat na niya si Landon na pupungas-pungas pa.

Tumayo ako at kinuha siya kay daddy saka dinala sa lababo. "Brush...brush...brush..." Sabi ko habang kinukuha ko ang toothbrush niya.

Walang kibo lang ito habang pinagmamasdan ako na nilalagyan ng pambatang toothpaste ang sipilyo niya. Inabot ko ito sa kanya matapos ko lagyan ng toothpaste at kinuha na niya sa akin. Tinulungan ko siyang magsipilyo ng ngipin niya bago kami bumalik sa mesa. Paupo pa lang ako sa hapag ulit nang marinig ko naman ang matinis na pag-iyak ng anak kong babae.

Narinig kong tumawa ang mga magulang ko saka ako pinaalis para puntahan si Lanaia at sila na raw muna ang bahala sa dalawa na kumakain. Kakamot-kamot ako sa ulo na pinuntahan ang anak kong babae. Nang makita niya ako na papalapit sa kanya ay tumigil na siya sa pag-iyak saka nagpabuhat sa akin.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon