CHAPTER 38: HOME

1.5K 35 0
                                    

Quebec's POV
"You looked stress!" Sabi sa akin ni Xenon nang pagpasok niya sa office niya ay naabutan niya akong naghihilot ng ulo ko.

"I'm fine." Sabi ko na lang at tinuloy ko ang ginagawa ko sa laptop.

Nandito ako ngayon sa restaurant niya dahil trabaho ko ang magtuos ng buwanang gastusin dito sa restaurant. Lumabas na rin kasi yung bill ng kuryente, tubig at internet. Kailangan na ring magbayad ng buwanang tax sa munisipyo kaya busy na naman ako.

"Tama na muna 'yan. Kain muna tayo ng lunch. Niluto ko yung gusto mo." Sabay hain niya sa mesa ng mga pagkain pagkatapos niyang ligpitin ang ibang kalat doon.

"Mauna ka na. Hindi pa naman ako gutom." Sabi ko at hindi ko na siya pinansin.

Pero hindi niya ako natiis. "Pwede ba yung kumakain ako tapos ikaw hindi? Naghihintay yung pagkain. Susubuan kita." Alok pa niya na hinayaan ko na lang.

Habang abala ako sa harapan ng laptop, sinusubuan niya ako. Pati nga pag-inom ng tubig siya na ang nagpainom sa akin. May straw naman kaya hindi mahirap. Matapos kumain ay bumalik na siya sa kitchen area ng restaurant dala ang pinagkainan namin habang ako ay nagpatuloy sa trabaho ko.

Natapos ako pagkalipas ng isang oras at mahigit. Napahikab ako at pipikit-pikit na pinatay na ang laptop at nagtungo ako sa sofa. Ang usapan kasi namin ni Xenon ay sabay kaming uuwi at ilang oras pa bago matapos ang working time niya kaya matutulog muna ako. Wala naman na akong gagawin pa kaya pwede na akong magpahinga. Madali lang akong dinalaw ng antok dahil sa pagod talaga ako. Nagising lang ako sa mahihinang yugyog at pagtawag ni Xenon sa akin.

"Why?" Groggy na pagkakasabi ko nang pagdilat ko ay bumungad sa akin ang mukha niya.

"Merienda?" Alok niya sabay turo sa mesa kung saan may merienda na nga.

"Ano 'yon?" Tanong ko pa dahil medyo tinatamad pa akong bumangon.

"You're favorite ensaimada." Nakangiti niyang sabi at inalalayan akong bumangon.

Inaantok pa talaga ako kaya matapos kong kainin ang pagkain na dinala sa akin ni Xenon ay natulog ulit ako. Nagising ako ulit nang ilang minuto na lang ay matatapos na ang working time ni Xenon.

Dahil nainip ako sa kahihintay sa pag-uwi namin ni Xenon, lumabas na ako ng office at nag-ikot sa restaurant. Ilang beses na rin akong naging waitress dito sa restaurant ni Xenon lalo kapag maraming customer o di kaya ay maraming absent na staff. Ang hindi ko lang nagawa rito sa restaurant niya ay ang magluto at mag-urong.

Ayaw ako gawing dishwasher ni Xenon kasi medyo malakas yung dishwashing liquid na ginagamit nila at baka raw masira ang kamay ko. Hindi rin ako kailan man sumubok magluto sa customer dahil hindi ko alam lutuin ang mga putahe nila rito at natatakot ako na baka hindi magustuhan ng customer.

"Hello, ma'am." Bati sa akin ng isang waitress na nadaanan ko na naglilinis ng mesa.

"Hi." Bati ko sa kanya pabalik saka ako dumiretso ng labas sa restaurant para magpahangin sandali. Kaya lang mainit naman dahil galing ako sa loob kung saan may aircon kaya pumasok rin agad ako. Natanaw ko si Xenon na papasok sa office niya kaya sumunod na ako. Siguradong uuwi na kami.

"Uwi na tayo?" Tanong ko sa kanya nang maabutan ko siya sa loob ng office.

Nilingon niya ako saka naghubad ng suot na uniform. "Yes." Sagot naman niya

Inayos ko na ang mga gamit ko habang siya ay nagpalit ng t-shirt para komportable pauwi. May araw na umuwi siyang nakasuot pa rin ng uniform niya ng chef at may araw naman na umuuwi siya ng t-shirt o polo ang suot. Depende kung anong trip ni Xenon sa buhay.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now