CHAPTER 30: FOLLOW

1.6K 41 1
                                    

Xenon's POV
Pag-uwi ko sa bahay mula sa pakikipag-usap kay Cassandra ay agad kong hinanap ang mga anak ko.

"Ice cream! Ice cream!" Pasigaw na sabi ni Lanaia habang palapit sa akin.

Nakapantulog na sila at halatang kalilinis lang nila ng katawan. Napahaba pa kasi ang kwentuhan namin ni Cassandra kaya medyo inabutan na ako ng gabi sa daan.

"Saan ka ba galing? Kanina ka pa hinihintay ng mga bata. Nung katawagan ka namin, sabi mo pauwi ka na kaya dadaan ka na lang saglit sa bilihan ng ice cream." Sabi ni mama na nakasunod sa mga bata.

Kinuha ng mga bata ang dalawang gallon ng ice cream at itinakbo na ito sa kainan. "Careful! Baka mabagsakan ang paa niyo." Saway ko saka ko pinansin si mama.

"Nagkita kami ni Cassandra roon sa binilhan ko ng ice cream. Napahaba ang kwentuhan namin kaya medyo ginabi."

"Okay na kayo ngayon?" Tanong pa niya.

Tumango ako. "We talked a lot. Halos si Quebec lahat ang pinag-usapan namin."

Huminga ng malalim si mama. "Kamusta na kaya siya. Hindi na siya nagparamdam sa atin." Sabi pa niya.

"Nakita ko siya nung isang sa tapat ng bahay nila Ricky. Nung sinundo ko kayo para sa birthday party."

Inalala naman ni mama ang araw na 'yon saka tumango. "Talaga? Anong ginagawa niya?"

"Hindi ko sigurado. Basta pagtapat ng kotse ko sa kotse niya ay saktong nagkatinginan kami. Nakabukas kasi yung bintana ng kotse ko tapos siya nasa labas ng kotse. Siguro sinisilip ang mga bata."

Pinalo ako ni mama sa braso. "Bakit hindi ko sa akin sinabi? Saka bakit hindi mo siya hinabol?"

"Ma, hahabulin ko sana. Kaya lang ang bilis niyang pinaandar yung sasakyan niya."

"Halika na sa hapag. Ikaw na lang talaga ang hinihintay namin sa hapunan saka yung ice cream." Natawa ako sa sinabi niya at sumunod na ako sa kanya papunta sa kainan.

Pagdating ko roon ay magana nang kumakain ang mga bata at inaasikaso sila ni daddy. Hinalikan ko sa ulo si Landon na siyang katabi ko sa hapag. "Try the veggies Landon." Sabi ko ang makita ko na puro laman ng baboy ang nasa pinggan niya.

"Get me some dada." Sagot naman niya.

Kaya isinandok ko siya ng pechay, saging na saba at repolyo mula sa nilagang baboy na ulam namin. Kinain naman agad niya ang sinandok ko kaya hinayaan ko na siyang kumain ulit. Sinilip ko si Lanaia at Lancelot na may mga gulay naman sa pinggan kaya ang sarili ko naman ang pinagtuunan ko ng pansin.

"Yehey!" Lancelot said while dancing in his own chair.

Tapos na kaming kumain at inililigpit na ng mga kasambahay ang pinagkainan namin habang si mama naman ay inilabas na ang isang gallon ng ice cream.

"Salad 'yan saka chocolate. Walang chocolate lang na available doon sa binilhan ko." Sabi ko nang buksan ni mama ang lalagyanan ng ice cream.

"No problem." Sagot ni Lanaia kaya napangiti kami nila daddy.

"Dumadaldal na lalo ang mga apo ko." Sabi ni daddy habang pinagmamasdan ang mga bata na takam na takam na sa ice cream.

"Hayaan mo na daddy. Sulitin natin ang mga panahon na ganito sila. Ang bilis nilang lumaki." Sabi ko naman.

"Totoo! Ang bilis lumaki ng mga bata. Parang kailan lang nung dalhin sila rito ni Cassandra." Sabi ni mama.

Tumayo ako para kumuha ng mga platito. Inilapag ko ito isa-isa sa tapat namin at si mama na ang sumandok ng ice cream ng mga bata.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon