CHAPTER 33: TRYING

1.6K 50 0
                                    

Quebec's POV
Nag-uusap pa rin kami ng mama ni Xenon hanggang sa matapos silang kumain. Bumalik agad silang tatlo sa sala para makipaglaro sa bawat isa.

"Xenon, hindi ka ba papasok? Late ka na sa trabaho mo." Tanong ng mama niya sa kanya.

Umiling si Xenon habang pinagmamasdan ang mga bata na abala sa paglalaro. Pinandilatan ito ng mata ni ma'am Sarah. "Pumasok ka. Ano naman ang dahilan mo kung bakit ayaw mo pumasok aber?!"

Huminga naman ng malalim ang isa at sumuko. "Fine." Hinalikan muna niya ang mga bata sa pisngi at nuo bago umakyat sa taas para maligo.

"Muntik na namang atakihin ng katamaran." Bulong sa akin ni ma'am Sarah na nginitian ko lang.

"Siya nga pala, nagkausap na ba kayo ni Xenon tungkol sa plano niya? Kasi nabanggit niya rin sa akin na kung pipigilan ka man niya na umalis ng bansa, siya na ang bahala sa pyansa ng mommy mo."

Tumango ako. "Opo. Nagkausap kami nung nakatulog na si Lanaia. Wala naman po akong choice kung hindi ang pumayag kasi makulit siya. Isa pa po ay ako naman po ang nagsabi sa kanya na ako na ang tututok sa mga bata mula ngayon para makabawi ako sa lahat ng pagkukulang ko."

"That's good to hear. Sana magtuloy-tuloy na ang magandang kaganapan sa buhay niyong lima." Masayang sabi ni ma'am Sarah.

Naputol ang pag-uusap namin nang lumapit si Lanaia sa amin at may dala itong hairbrush. Inabot niya sa akin ang suklay tapos ay umupo sa harap ko ng nakatalikod. Magkaharap kami ni ma'am Sarah sa sofa kaya nakaharap din siya sa lola niya.

"Fix my hair, please." Pakiusap niya sa akin kaya inumpisahan ko ng suklayin ang buhok niya.

"Say, mommy can you please fix my hair?" Pagtuturo ni ma'am Sarah sa kanya.

Tumango naman si Lanaia habang sinusuklayan ko. "Mommy, can you please fix my hair?"

Bahagya akong natawa. "Sure baby."

"Iiwan na kita sa mga bata. Alam ko naman na magaling ka sa pag-aalaga sa tatlong bulinggit natin. Aakyat muna ako sa taas para kausapin yung kuya ni Xenon sa internet. Nangako kasi ako na tatawagan ko silang mag-anak ngayon."

Tumango ako at ako na nga ang sumubaybay sa mga bata. Nang makagayak si Xenon ay bumaba na rin siya at dumiretso sa amin.

"Daddy's going to work now. Be good okay?" Bilin niya sa mga bata.

Tumango naman ang mga ito. "From now on, your mommy will stay with you. She will take care of you like before. Natatandaan niyo pa ba siya?" Masuyong pakikipag-usap ng ama nila sa kanila.

Tumango si Lanaia at Landon habang si Lancelot ay hindi umimik at mukhang hindi sigurado. "She's mommy." Landon said like it's a matter of fact.

Hinalikan ito ni Xenon sa pisngi. "That's right! Very good. Bantayan niyo siya. Baka umalis. Wag kayong papayag." Pagtuturo niya sa mga bata na ikinairap ko.

"You're bad influence to the kids!" Saway ko sa kanya.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "Kung ang bata may halik bago umalis, syempre yung mommy dapat meron din." Aalma sana ako sa pinagsasabi niya pero mabilis na niyang naidikit ang labi niya sa mga labi ko.

Hindi ko tuloy napigilang magalit sa kanya. Napalo ko siya ng sobrang lakas sa braso. "Sino ka ba para halikan ako sa labi?!" Gigil na bulong ko sa kanya dahil nasa harap lang kami ng mga bata.

Parang wala lang sa kanya ang malakas na pagpalo ko at nginitian lang ako ng pilyo. "Alagaan mo ang mga anak natin. Aalis na ako." Nakuha pa niyang kindatan ako bago tuluyang umalis.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now