CHAPTER 6: NEW YAYA

2.5K 65 0
                                    

Xenon's POV
"Dada!" Lanaia shouted while running towards me. Agad naman akong umuklo para salubungin siya at kargahin.

"Ahh. You're getting heavy." I said the moment I carry her.

"Dada!" Sabay na sabi naman ni Landon at Lancelot na nahuli akong salubungin. Ibinaba ko si Lanaia saka sabay kong binuhat ang dalawang lalaki ko.

"You don't smell nice." I said then I fake a frown. Amoy sila pawis at halatang galing sa laro.

Lanaia laugh. "They rolled in the garden dada." Sumbong nito sa akin.

Tinignan ko naman si Lancelot at Landon na nakatingin sa akin at inaabangan ang magiging reaksyon ko. "Is that true? Nagpagulong-gulong kayo sa garden ni mama?"

Sabay silang tumango. Hinalikan ko silang dalawa sa pisngi saka ibinaba at ginaya na sila papasok ng bahay. "Food dada?" Lanaia asked while we're walking towards the gouse. Ganito talaga siya sa tuwing dumadating ako galing trabaho.

"Dada has no food for you my princess. Bawi na lang si dada bukas. Okay ba 'yon?"

Nakangiti naman itong sumagot ng opo saka tumakbo papasok kasama ang mga kakambal. Napailing na lang ako habang papasok sa bahay. Naabutan ko si mama na nakaupo sa sofa at mukhang may bisita.

"I'm home mama." I said the moment I step inside our house.

Tumayo naman si mama sa sofa saka nilapitan ako. "Anak kanina ka pa namin inaantabayanan. Nandito na yung babysitter na kakilala ni Cassandra. Talagang ganitong oras siya pumunta para maabangan niya ang pagdating mo. Halika at kausapin mo na siya."

Nakipagbeso ako sa kanya saka kami sabay na lumapit sa sala para makausap ang babysitter. Tumayo ito agad nang makita ako. Napahinto ako sa paglapit sa kanya nang mapagtanto ko kung sino siya.

"Quebec?" Patanong kong tawag sa kanya.

Ngumiti naman siya sa akin saka tumango at inilahad ang kamay niya sa akin. "Hi. Oo ako nga."

Tinanggap ko ang kamay niya. "W-Wait. I-Ikaw ang nag-aapply sa akin na maging babysitter ng mga bata?" Hindi makapaniwala kong tanong.

Ang alam ko ay best friend siya ni Cassandra at ang alam ko ay may kaya siya kaya bakit niya gustong maging babysitter ng mga anak ko. "Ang tagal na nung huli kitang nakita. Medyo nagbago ang itsura mo. Hindi kita agad nakilala."

Nahihiya naman itong nag-iwas ng tingin saka umupo. "Ako pa rin naman 'to, ano ka ba." Natatawa niyang sabi.

"Saglit lang. Diba maganda na ang trabaho mo bilang secretary sa isang company? Bakit gusto mong maging babysitter ng mga bata?" Intriga ko sa kanya. Umupo ako sa katabing sofa para mas makausap ko siya ng matagal. 'Yon ang alam kong trabaho niya.

Pero sa tagal na naming hindi nagkita ay hindi rin ako sigurado kung secretary pa nga ang trabaho niya. Hindi kami ganon kaclose pero masasabi ko na komportable ako sa kanya dahil sa pareho naming kaibigan si Cassandra. Madalas ko rin siyang makita kapag birthday ni Cassandra o kaya ay may occasion kila Cassandra.

"Medyo pabagsak na kasi ang company na pinapasukan ko. Hindi na rin kayang magprovide ng boss ko ng sapat na sahod para sa akin kaya ako na mismo ang nagresign at hindi naman siya umalma. Pero huwag kang mag-alala, tinapos ko na lahat ng mga dapat kong tapusin at ayusin bago ko tuluyang iniwan ang pagiging secretary ko."

Tumango ako. "Sigurado ka na ba talaga na kaya mong maging babysitter ng triplets? Kasi triple lahat pagdating sa kanila. Tripleng kulit, tripleng saway, tripleng pag-aasikaso."

May ningning sa mga mata itong tumango at mukhang tama nga ang sinabi ni Cassandra na mahilig si Quebec sa mga bata.

"I love kids. Kung hindi mo itatanong, dati akong teacher sa nursery. Teacher kasi talaga ang natapos ko. Kaya lang may nangyari na hindi maganda kaya umalis ako sa pagiging teacher. The triplets were adorable. Actually they're excited to play with me and they kept on asking when will I start to be their yaya."

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now