CHAPTER 14: HIDDEN AGENDA

1.6K 36 0
                                    

Quebec's POV
"Boss, a-anong ginagawa mo rito?" 'Yon ang lumabas sa bibig ko dahil hindi na ako nakapag-isip pa sa gulat ko.

Nginitian niya naman ako ng matamis saka marahan akong tinulak para makapasok siya sa hotel room ko. Teka anong meron?! Bakit nginitian niya ako ng ganong klase ng ngiti. Kahit kailan hindi ko pa siya nakita na ngumiti ng ganon.

Kaya nga siya kinatatakutan ng mga tauhan niya dahil sa nakakatakot talaga siya at palaging seryoso. Hindi rin naman nakakatakot yung ngiti na ibinigay niya sa akin kanina-kanina lang.

"Wait. What's the meaning of this? Bakit nandito ka rin? Anong nangyayari. Naguguluhan ako." Sabi ko sa kanya nang magtuloy-tuloy siya at naupo sa kama ko.

Sinundan ko siya pero hindi ako gaanong lumapit sa kanya. Naglagay talaga ako ng distansya sa aming dalawa. Baka kung anong gawin niya sa akin.

"Relax. Bakit ba halatang kinakabahan ka?" May halong tawa na sabi niya.

Nag-iwas ako ng tingin at sa balcony ko na lang inilaan ang tingin ko. Bumalik na naman lalo ang takot dito sa dibdib ko. Nakakapagtaka kasi kung bakit nandito rin siya. Kung pumunta rin pala siya rito, bakit ako pa yung hinayaan niyang magdala ng droga na nasa maleta. Sana siya na lang para hindi ako namomroblema ng ganito at hindi mapakali.

Nang tumayo siya ay napalingon ako sa kanya. Seryoso na siyang nakatingin sa akin ngayon at dahan-dahang lumalapit. "Please don't." Sabi ko na may kasama pang pag-iling.

Pero hindi siya nakinig sa akin at nagpatuloy siya sa paglapit. Hinawakan niya ako ng marahan sa baba ko at hinuli niya ang mga mata ko. Pero wala pang limang segundo ay iniwas ko na ang tingin ko sa kanya.

"You wanna know the answer to your question, right? Then look straight into my eyes." He whispered.

Nag-aalangan man ay sinunod ko sinabi niya. Sumilay na naman ang mailap na ngiti mula sa kanya nang magtama ang mga mata namin.

"I set you up, Quebec."

Hindi ako nakakibo sa ginawa niya. Ramdam na ramdam ko ang malakas na pagkabog ng puso ko dahil sa kaba. Bakit kailangan niya akong isetup?! Wala naman akong ginagawa na hindi maganda sa kanya.

Binitawan niya na rin sa wakas ang baba ko pero ang mukha ko naman ang hinaplos niya. Dala ng takot ko ay hindi na lang ako pumalag o umimik man lang.

"Calm down. Bakit ba takot na takot ka sa akin? Wala naman akong masamang gagawin sayo?" Sabi niya at tinigilan na rin ang mukha ko. Hinila niya ako ng marahan papunta sa kama ko at pilit niya akong inupo sa tabi niya.

"Listen Quebec. Pumayag ang mommy at daddy mo sa plano ko na 'to. Nagpaalam ako sa kanila at syempre, sino ba naman sila para tumanggi."

Hindi ako kumibo at hinintay ko ang susunod niyang sasabihin.

"Nakipagnegosasyon ako sa mga magulang mo at ikaw 'yon."

Sinalubong ko ang mga tingin niya. Hindi ko alam kung ano ang tamang salita na dapat kong gamitin at sabihin sa kanya.

"Nagkasundo kami na babawasan ko ang utang ng pamilya mo sa akin kapalit ng pagsama mo sa akin dito sa Guam."

Napatayo ako sa sinabi niya at hindi makapaniwala ko siyang tinignan.

"A-Ano?!"

Tumango siya habang hindi inaalis ang tingin sa akin. "Babawasan ko ng kalahating milyon ang utang niyo sa akin. Pero syempre may kapalit. 'Yon ay ang makasama kita rito sa Guam ng isang linggo."

Tumaas ang balahibo ko sa sinabi niya. Para na rin akong binugaw ng mga magulang ko sa ginawa nila.

"Nagtagumpay naman si mommy mo na papuntahin ka rito sa Guam kaya binawasan ko na ng 100,000 ang utang ng pamilya niyo sa akin at ibibigay ko lang ang 400,000 kapag nakabalik na tayo sa Pilipinas."

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now