CHAPTER 8: SCOLDED

1.9K 52 0
                                    

Xenon's POV
Napahilot ako sa batok ko pagkalabas ko ng sasakyan ko. Nakakapagod ang araw na 'to dahil mula nang pumasok ako sa trabaho ay walang tigil na akong nagluluto sa restaurant kasama ng mga staff ko.

May malapit kasi na arena sa restaurant namin kung saan ginaganapan ng basketball. Kanina maraming laro na naganap doon sa arena kaya dinagsa talaga kami ng mga tao. Sabi ng isa sa mga staff ko na nakibalita ay mga isang linggo magkakaroon ng laro roon kaya isang linggo rin kaming dadagsain ng customer.

Masaya dahil lalakas ang kita namin kaya lang sobrang pagod naman. Pero sanayan lang din siguro. Hindi naman ito ang unang beses na naranasan naming dagsain ng tao sa restaurant. Pagod akong pumasok sa loob ng bahay.

Naabutan ko si daddy at si mama na nakaupo sa coffee table at umiinom sila ng gatas na dalawa habang nag-uusap ng kung anu-ano. "Ma, daddy, bakit gising pa kayo?" Bungad ko saka ako nagmano sa kanila.

"Nagpapaantok lang kami anak. Halatang pagod ka sa trabaho. Maraming customer?" Sabi ni mama.

Tumango ako saka inumpisahan tanggalin ang butones ng uniform ko na pang chef. "Yes ma. May laro kasi sa arena kaya yung mga nanunuod at mga player dumagsa sa amin."

"Oh I see. Kaya pala hindi mo sinasagot ang tawag ko kanina."

Doon ko naalala na may mga missed calls nga pala si mama sa akin. "Sorry ma, sobrang busy ko kasi kanina talaga. Ano nga pala ang dahilan kung bakit ka tumawag?"

Humigop muna siya ng gatas bago sumagot. "Yung mga bata kasi magpapaalam sana na magcacamping sila sa garden gamit yung bigay ni Cassandra na tent. Inaantabayanan ka nga nila na umuwi para makapagpaalam sayo. Kaya sakin na lang sila nagpaalam. Pinayagan ko naman kasi sa garden lang naman."

"Ma, alam mo naman na may pagkasakitin si Lancelot. Sana hindi mo na sila pinayagan." Kalmado kong sabi pero nag-uumpisa ng uminit ang ulo ko dala na rin ng pagod.

"Bakit naman hindi Xenon? Ligtas naman sa garden, saka isa pa masaya naman ang mga bata. Nakakatuwa nga dahil sa mura nilang edad ay mas gusto pa nila ang maglaro ng mga laro namin dati kaysa ang maglaro ng gadgets."

Napakamot na lang ako sa ulo ko. "Kapag hindi ko naman sila pinayagan ay iiyak sila. Alam mo 'yan Xenon, ikaw ang higit na nakakakilala sa kanila. Kung hindi ko naman pasasamahin si Lancelot sa camping nila ay kawawa naman yung isa. Hayaan mo na sila. Kinabitan naman ni daddy mo ng tarpaulin yung itaas ng tent para kung umulan man ay ayos lang." Dagdag ni mama.

Walang imik ko silang iniwan saka pumunta ako ng garden. Nakita ko nga na nakatayo ang malaking tent doon at may munting ilaw sa loob at mga anino. Dire-diretso akong pumunta sa tent saka ko binuksan ang zipper ng pinto.

Nagulat silang apat sa akin. Dapat sa ganitong oras ay tulog na ang mga bata pero masigla pa silang naglalaro na lalong nakadagdag ng init sa ulo ko. "Dada!" Masayang sabi ng triplets at nag-uunahang lumapit sa akin.

"Get out and go inside the house now!" Sabi ko sa seryosong boses kaya napahinto ang mga bata sa paglapit sa akin.

"S-Sir Xenon, g-galit po ba kayo?" Mahinang sabi ni Quebec na hindi makatingin sa akin.

"We'll talk later. One on one." Sabi ko saka pilit inilabas ang mga bata sa tent.

"D-dada, don't be angry to yaya." Sabi ni Lanaia na paiyak na.

"Bakit hindi. Sige nga Lanaia! Hindi pa kayo pwede magcamping sa labas kasi sakitin si Lancelot at malamig. Pasok sa loob." Umatungal na ito ng iyak bago pumasok sa loob ng patakbo.

Sumunod si Landon dito na paiyak na rin habang si Lancelot ay nagpaiwan at may sinabi pa muna. "You're being unfair dada." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tumatakbong pumasok siya sa loob ng bahay.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon