CHAPTER 11: SINGLE

1.8K 40 0
                                    

Quebec's POV
"I'm done here." Sabi ko kay Arthur at Oscar nang makalapit ako sa kanila.

Inabot ko sa kanila ang bag na inabot nila sa akin kanina kung saan nakalagay ang mga party drugs na ibinenta ko bago pa magsimula ang concert. Halos patapos na rin ang concert at ngayon lang ako nakaubos dahil maingat ako sa pagbebenta. Baka kasi ang maalok ko ay isumbong ako sa mga security na nakapaligid at ayokong mangyari 'yon.

"High na high yung sa gawing kanan doon sa bandang unahan." Sabi ni Oscar na natatawa-tawa habang humihithit ng sigarilyo. Madalas ay kami ang magkakasama kapag ganitong bentahan ng droga kaya kabisado na namin ang bawat isa.

"Uuwi na ko. Kayo?" Tanong ko nang tanggapin ni Oscar ang bag na inaabot ko.

"Ako hindi pa. Si Arthur uuwi na kasi may aasikasuhin pa siya ng maaga bukas." Sabay turo ni Oscar dito.

"Sasabay ako." Maikli kong sabi.

"Saan ba kita ihahatid. Balita ko hindi ka na sa bahay niyo nakatira. Hindi nga alam nila mommy mo kung saan ka tumutuloy ngayon." Pagtatanong ni Arthur.

Nag-iwas ako ng tingin. "Sa kaibigan lang. Masyado na kasi akong naiinis sa bahay. Lahat ng galaw ko pinakikialaman ni mommy. I just want to be away from them for the mean time. Saka para matuto na rin akong maging independent. Akala kasi nila ni daddy lagi akong dumedepende sa kanila at kapag nawala sila para na rin akong naputulan ng kamay. I want to prove something to them and to myself."

"That's great. Come on, ihahatid na kita." Sabay akbay sa akin ni Arthur.

Kinawayan ko si Oscar habang palayo kami. Nang makarating kami sa kotse ni Arthur ay tahimik lang kaming dalawa kaya naman wala sa loob ko na nakatulog ako habang binabaybay namin ang daan pauwi sa bahay. Kaya naman ginising niya pa ako nang makarating na kami sa tapat ng bahay namin.

Kinukusot ko ang mata ko habang inaayos ko ang sarili ko bago tuluyang bumaba ng sasakyan. "Salamat sa paghatid. Ingat pauwi." Sumaludo pa ito at ngumiti habang pinagmamasdan ako.

"Welcome. Sige na pumasok ka na sa loob para makapagpahinga ka ng maayos. Mukhang hindi ka na sanay sa puyatan ngayon ah." Sita pa niya kaya natawa ako.

"Pakiramdam ko nga. Bye." Umalis na ako sa kotse niya pagkatapos at dumiretso na ng pasok sa gate namin na passcode ang mga lock. Buti na lang at kahit isang buwan na ako mahigit na nawala ay natatandaan ko pa rin ang mga number combination nito.

Nang mabuksan ko ang lock ay mabilis akong pumasok at inilock ulit ito saka dali-daling pumasok sa loob ng bahay. Akala ko ay tulog na ang mga magulang ko pero hindi pa pala. Naabutan ko kasi sila malapit sa sala na tahimik na nagpapack ng mga drugs.

Lumapit ako sa kanila para ipaalam na nandito ako. "Ang aga mo yatang umuwi? Tapos na ang concert?" Tanong ni mommy nang masilayan niya ako.

"Nung umalis kami ni Arthur patapos na yung concert." Maikli kong sagot.

"Nakaubos kayo?" Dagdag pa niya.

"Opo. Akyat na ko sa kwarto ko. Good night sa inyong dalawa." Walang imik lang si daddy na patuloy sa pagtitimbang ng mga drugs habang si mommy naman ay nagsalita ulit.

"Balita ko may bago kang trabaho? Doon ka nanunuluyan ngayon? Tinawagan ko si Cassandra nung isang araw para itanong kung alam niya kung nasaan ka. Bigla ka na lang kasing naglaho na parang bula. Akala ko nahuli ka na ng mga pulis."

"Si Cassandra nag-alok sa akin nung trabaho na 'yon. Hindi siya easy money kagaya ng madalas nating gawin. Marangal at gusto ko naman ang trabaho ko na 'yon."

"Okay. Kung saan ka masaya. Pero hindi pa tayo pwedeng tumigil sa pagbebenta ng mga ganito Quebec. Alam mo 'yan. Kahit na araw-araw at gabi-gabi ako kinakain ng konsensya ko. Kung buhay naman natin ang kapalit, magtiis-tiis muna tayo."

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now