CHAPTER 12: BEACH

1.8K 42 0
                                    

Xenon's POV
"We're going to the beach! Who's excited?!" Masayang sabi ko sa mga bata nang makababa ako ng hagdan at dumiretso sa kanila na nasa sala na panay ang laro.

Kanya-kanyang talon at hiyaw naman sila sa narinig. "Meee!" Tili ni Lanaia at nagpabuhat sa akin habang panay ang talon.

"Okay. If you're all excited, pack your things now with Quebec." Sabi ko saka ko binaba si Lanaia mula sa pagkakabuhat.

Agad namang dinala ni Quebec ang mga bata sa kwarto para ipaghanda ng mga gamit na dadalhin sa pupuntahan naming resort. Nang makaakyat ang apat ay pinuntahan ko si mama at daddy sa maliit na garden. Doon ko kasi sila nakita ni daddy kanina nang sumilip ako sa balcony ng kwarto namin.

"Morning. Ano regalo niyo kay Patrick?" Bungad ko nang makalapit ako sa kanila.

Ibinaba muna ni mama ang hawak niyang tasa ng kape bago sumagot. "Binili namin siya ng tatlong branded na t-shirt kagabi. Hindi na kami makapag-isip ni daddy mo ng iba pang pangregalo kasi rush na kami. Ikaw ano ireregalo mo sa kanya?"

"Ibinili ko siya ng isang set ng pabango at underwear. Bahala na siya sa amoy non." Natawa naman silang dalawa.

"Nasabihan mo na ba ang mga bata? Sasabihin ko sana kanina kaya lang nawala sa loob ko." Sabi ni daddy.

"Yup. Nasa taas na sila ngayon at tinutulungan sila ni Quebec na mag-ayos ng mga dadalhin nila."

"Pagdating talaga kay Quebec wala akong masabi. Kahit triplets ang alaga niya parang wala lang sa kanya." Sabi ni mama at halata sa tono ng boses niya na hindi niya alam kung paano nagagawa ni Quebec ang bagay na 'yon.

Kahit ako rin naman ay nagtataka kung paano niya nasasabayan ang trip ng mga bata nang hindi napapagod. Sa akin na lumaki ang mga bata ilang buwan pa lang sila simula nung isilang kaya alam ko ang hirap at pagod sa pag-aalaga ng triplets.

Hinayaan ko na silang dalawa na magkaroon ng quality time sa isa't isa kaya pumunta na lang ako sa kusina para iluto ang tatlong putahe na lulutuin ko para sa simpleng debut ng pinsan ko. Kami-kaming magkakamag-anak lang ang imbitado para sa debut niya dahil 'yon ang gusto ni Patrick. Kaya naman kailangan naming gawin ang lahat para maiparamdam sa kanya na kahit kami-kami lang ay masaya ang kalalabasan ng debut niya.

Abala ako sa pagluluto nang bumaba na ang mga bata. May kanya-kanya na silang backpack kung saan nakalagay ang mga pamalit daw nila. Bitbit naman ni Quebec ang isang bag na naglalaman naman daw ng twalya, sabon, shampoo at sunblock.

Nakagayak na rin ang mga bata dahil sa suot nilang pangswimming. Si Lancelot at Landon ay nakasuot na ng swimming trunks at plain t-shirt. Habang si Lanaia naman ay naka one-piece swimsuit na kulay dilaw.

Si Quebec naman ay mukhang walang balak sumama sa amin dahil wala pa siyang inaayos na gamit niya. "Ikaw? Di ka sasama?"

Nagtataka naman siyang tumingin aa akin. "A-Ako?"

Tumango ako saka binalik ang tingin sa niluluto ko para haluin ito. "Oo."

"Pero nakakahiya Xenon kasi narinig ko kanina sa parents mo na puro kamag-anak ang kasama. Baka kung anong sabihin sa akin nung mga kamag-anak mo lalo at hindi naman ako belong."

Inilingan ko siya. "Hindi naman ganon ang mga kamag-anak ko. Mas gusto nga nila kapag marami kasi mas masaya. Saka baka maaya rin akong mainom kaya kailangan ng ibang mag-aasikaso sa mga bata."

"Okay." Tipid na sagot niya saka inaya ang mga bata sa kwarto niya para samahan siya na mag-ayos ng gamit niya.

Quebec's POV
"Mommy. Mommy. Let's build sandcastle later." Lanaia said while I'm busy packing some swimming outfit.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon