CHAPTER 5: LIFE OF A SINGLE DAD

1.9K 52 0
                                    

Xenon's POV
"Baby you alright?" I said very worried to Lancelot. I'm now carrying him while he's vomiting here in the sink of our comfort room.

Sumuka lang ito ng sumuka at hindi pinansin ang tanong ko. Hinaplos ko ang buhok, batok at likuran niya para kumalma siya kahit papaano. Kanina bago kami matulog ay may sinat na siya kaya hindi ako gaanong nakatulog. Tapos mga bandang 12 ng umaga umiiyak na siya at napunta na nga kami rito sa banyo nang mag-umpisa siyang sumuka.

Pagkatapos niyang sumuka ay tinulungan ko siyang magmumog. Mahigpit siyang yumakap sa akin pagkatapos at umiyak na naman nang umiyak. Sa halip tuloy na bumalik kami sa kama para tumabi ulit sa dalawa ay inilabas ko siya ng kwarto. Pumunta ako sa tapat ng kwarto nila mama para itanong kung nasaan ang thermometer nila. Nawawala kasi yung sa mga bata at sa tingin ko ay napaglaruan nila.

Matagal bago bumukas ang pinto ng kwarto nila mama at ang nagbukas nito ay si daddy. Pupungas pungas pa nga ito nang pagbuksan kami at nagtatakang nakatingin sa amin ni Lancelot. "Bakit? Ano nangyari?" Bungad niyang tanong sa akin.

Hinele ko si Lancelot habang nakikipag-usap ako kay daddy. "May lagnat si Lancelot daddy. Itatanong ko lang sana kung alam niyo kung nasaan yung thermometer niyo? Nawawala kasi yung sa mga bata. Napaglaruan siguro nila."

Sumenyas ito na sandali lang saka bumalik sa loob ng kwarto. Kami ni Lancelot ay nagpaiwan na lang sa labas dahil baka magising si mama sa iyak ng anak ko. Ilang sandali pa ay bumalik na si daddy dala ang thermometer nila.

"Doon mo muna kaya alagaan si Lancelot sa kwarto talaga nila. Baka mahawa pa yung dalawa, mas mahihirapan kang alagaan sila. Ako na ang tatabi kay Lanaia at Landon para may bantay sila ngayong gabi. Anong oras pa lang."

Tumango ako sa sinabi niya. "Sige daddy. Salamat sa tulong."

"Wala 'yon. Oh siya pagpahingahin mo na 'yang apo ko at magpapaalam lang ako sa mama mo na tatabihan ko yung dalawang bata."

Umalis na nga kami ni Lancelot nang makuha ko na ang thermometer at ibinaba ko siya para dalhin sa kusina. Pagbaba ko ay naghanap agad ako ng pwedeng lutuin na soup para mapainom ko siya ng gamot. Sinubukan ko siyang ihiga sa may kalakihang duyan malapit sa kusina pero umiyak siya.

Binuhat ko siya nung una pero nang mahirapan akong igayak ang mga gagamitin ko sa lulutuin kong soup ay inihiga ko rin siya ulit sa duyan. Si mama madalas ang gumamit ng duyan na 'to lalo na kapag marami siyang niluluto rito sa kusina. Hinayaan ko lang umiyak si Lancelot at pinagtuunan ko lang siya ng pansin nang mailagay ko na lahat ng dapat ilagay sa soup.

Sinubukan ko rin siyang patulugin pero hindi ko magawa. Nasisiguro kong masakit talaga ang ulo niya at medyo barado rin ang ilong niya dahil sa sipon. Siguradong hindi na naman ako makakapasok bukas dahil kailangan kong tutukan 'tong si Lancelot hanggang sa gumaling.

Nang maluto ko ang soup ay sinubukan ko siyang pakainin at nakakatuwa dahil kahit ilang subo na maliliit ay tinanggap niya ang mga isinusubo ko. Kaya naman matapos niyang kumain ng konting soup ay pinainom ko na siya ng gamot saka lang ito nakatulog.

Dahil medyo nangangalay na rin ako sa pagkarga kay Lancelot ay inakyat ko na rin siya pagkatapos ko siyang mapatulog. Sa halip na sa kwarto ko siya dalhin kung nasaan ang mga kakambal niya ay sa kwarto nila ko siya idineretso. Nang maibaba ko siya ay sinilip ko ang kwarto ko kung nasaan si Lanaia at Landon. Pinagigitnaan na sila ni mama at daddy kaya hindi ko na sila inistorbo pa.

Binalikan ko si Lancelot at tinabihan ko siya. Buti na lang at nakatulog na siya kaya medyo panatag na ako. Ganon pa man ay alam ko na hindi naman ako makakatulog nang malalim dahil sa pag-aalala ko kay Lancelot. Hinalikan ko siya sa sentido saka sinubukan kong umidlip na nangyari naman. Kada oras at nagigising ako para icheck ang temperature niya. Bumaba naman na ng konti ang lagnat niya pero hindi pa rin nawawala ang pag-aalala ko.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now