CHAPTER 24: TIRED

1.3K 44 2
                                    

Quebec's POV
"Kailan namin pwedeng puntahan ng asawa ko ang bahay?" Sabi ng kausap ko pagkatapos ng mahaba-haba naming pag-uusap sa bahay.

"Ngayon mismo, pwede na. Libre ako ngayong araw." Sabi ko pagkatapos kong inumin ang kape ko.

Isinauli ng babaeng medyo may edad ang cellphone ko sa akin kung saan nila tinignan ang picture ng bahay. Sila ay isa sa mga nagkakainteres sa bahay at lupa namin. Nagtrabaho sila sa Amerika sa mahabang panahon at walang naging anak kahit isa. Ngayong retired na sila ay umuwi na sila rito sa bansa para magpatayo ng bahay. Kaya sila nagkaroon ng interes sa bahay ay dahil sa lupa na rin. Kaysa naman daw magrenta pa sila pansamantala habang naghahanap ng pagtatayuan ng gusto nilang bahay.

"Great. Ano sa tingin mo hon? Puntahan na natin ang bahay? Balita ko may iba pang nagkakainteres sa bahay na 'yon? Kailangan nating makipag-unahan." Sabi nito sa asawa niya.

Ngumiti naman ang lalaki pabalik sa misis niya at pumayag na rin. Sa huli ay magkakasama kami na pinuntahan ang bahay at lupa namin. Pinasakay ko na sila sa kotse ko kaysa naman sumakay pa sila ng taxi gayong iisa lang naman ang destinasyon namin.

Nang makarating kami sa bahay namin ay halata naman sa mukha nila na nagustuhan nila ang bahay na inaalok ko. "It's okay for it's price. Right hon?" Tanong ng babae sa asawa niya.

Tumango naman ang asawa nito at saka nagpatuloy kami sa paglilibot. Halos wala ng gamit dito sa bahay dahil pinagbebenta ko na rin para pandagdag sa pyansa ni mommy. Isa pa ay usapan lang naman sa pagbebenta ko ng bahay na 'to ay literal na bahay at lupa lang ang bibilhin nila. Hindi kasama ang mga gamit nito sa loob na unti-unti ko na nga ring binebenta.

Kung saan ako titira kapag nabenta ko na 'tong bahay? 'Yon ang di ko alam. Basta ang nasa plano ko ay magrerenta na lang ako ng maliit na bahay na pwede ng tulugan at masilungan. Kahit hindi na kagandahan basta may matirhan lang ako. Na nang malaman ni Cassandra ay pinigilan na naman niya ako. Sinabi niya na roon na lang daw ako tumira sa vacation house ng pamilya nila sa Pagudpod. Pero hindi naman ako pumayag dahil nahihiya nga ako sa dami na ng naitulong niya sa akin.

Matapos naming libutin ang kabuuan ng bahay ay nakangiti silang kinausap ako. "Mamayang gabi pag-uusapan naming mabuti ng asawa ko kung bibilhin na namin ang bahay. Sana ayos lang sayo."

"Wala pong problema. Hindi naman po ako nagmamadali." Sabi ko naman.

"Hindi naman 'yon ang inaalala namin. Alam namin na may iba pang gustong kumuha ng bahay na 'to kaya sa lalong madaling panahon ay kailangan na naming magdesisyon na mag-asawa." Sagot sa akin ng babae.

Ngumiti ako habang tumatango. "Kayo po ang bahala."

Hindi na rin sila nagtagal pa at umalis na rin para mamasyal. Hindi ko maiwasan na hindi mainggit sa kanila. Kahit dalawa lang sila at walang naging anak ay halatang mahal nila ang isa't isa at parang walang makakatibag sa pagsasama nila. Samantalang ako, halos mawala na lahat sa akin ang mga mahal ko sa buhay. Pati ang mga anak ko pakiramdam ko wala na rin sa akin dahil sa pagpapalayas sa akin ni Xenon.

Pagpasok ko sa bahay ay napatingin ako sa orasan. Malapit na pala ang tanghalian. Kaya naman nagtungo ako sandali sa kusina para tignan kung ano ang kakaunting stock na meron. Tinignan ko ang nasa cupboard at puro sardinas at cup noodles ang nandito. Nabenta ko na kasi ang ref pati ang kalan namin kaya kailangan ay puro ready to eat foods na lang ang kakainin ko. Ang hindi ko pa ibinebenta ay ang rice cooker at electric kettle para may magagamit pa ako kahit papaano pang saing at pang init ng tubig.

Pero wala naman akong gana kumain kaya umakyat na lang ako sa kwarto ko. Wala na rin akong gaanong gamit dito dahil pinagbebenta ko na rin halos lahat. Yung iba nga kahit sa bakal bote ko na lang binenta, pinatulan ko na. Para mabawasan na talaga ang gamit dito sa bahay at para mas mabilis akong makaipon.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now