CHAPTER 22: GRIEF

1.4K 46 1
                                    

Quebec's POV
Napabuntong hininga ako nang matapos ang tawagan namin ng abogado na kinuha ko para kay mommy. Pwedeng makapagpyansa si mommy para makaalis sa kulungan. Pero saan naman ako kukuha ng pera?! Hindi sapat ang ipon ko sa bangko para mailabas siya sa kulungan.

Saka ayokong gastusin ang naipon kong pera mula sa mga abuloy na nakuha ko kay daddy dahil hindi pa rin naman sasapat. Napahilamos na lang ako ng mukha. Ibebenta ko ang bahay at lupa namin. Pati na rin ang natitirang sasakyan nila daddy. Para makapagsimula akong makapag-ipon para mapalaya ko si mommy.

Sana lang talaga ay magtagumpay ako sa huling iniuutos sa akin ni boss para mas mapadali na lang sa akin ang lahat. Sinilip ko muna sandali ang mga bata na masayang-masaya sa duyan bago ko tinawagan si Cassandra.

Mabilis naman nitong sinagot ang tawag ko at mukhang hindi busy. "Katatapos ko lang makipag-usap sa abogado ni mommy at makakapagpyansa na raw kami."

"That's good news! Kahit papaano mawawalan ka na ng isang tinik aa dibdib niyan." Sabi niya naman sa kabilang linya.

"Yeah. Pero hindi rin ata. I need money to make that happen. Kulang na kulang ang ipon kong pera."

"You can borrow some from me." Mabilis na sabi ni Cassandra kaya napapikit ako nang mariin. Si Cassandra talaga kahit anong maitutulong iaalok sa kapwa.

"Thank you Cassandra. Pero hindi ko matatanggap ang alok mo. Nakakahiya na masyado sayo. Ang dami mo ng nagawa para sa akin." Tanggi ko saka ko nilapitan ang mga bata nang magsimula silang mag-away dahil sa duyan.

"Quebec, that's what friends are for! Tinutulungan kita kasi alam ko na masyado ka ng maraming problema ngayon. Ayoko ng bumalik ka sa dati na halos magpakamatay na dahil sa sobrang daming problema." Depensa niya.

"I'm selling our house including the property of that lot and the car of my dad. Baka may naghahanap, pwede mong ialok."

"Nakausap mo na ba si tita tungkol sa bagay na'yan?" Sagot niya sa sinabi ko.

"Simula ngayon hindi na si mommy ang magdedesisyon. Kung dati siya ang decision maker sa pamilya namin, ngayon hindi na. Lahat ng desisyon niya palpak at puro kapahamakan. Dahil sa nga desisyon niya namatay si Qeena, Queenie at daddy. Wala akong tiwala kay mommy pagdating sa pagdedesisyon."

Narinig ko siyang huminga ng malalim. "May point ka naman. Kung hindi mo siya hahayaan na magdesisyon, sabihin mo sa kanya kahit papaano. Para ng sa ganon hindi siya magugulat na isang araw wala na pala kayong bahay, lupa at sasakyan."

Pinigilan ko sa pag-ugoy ang duyan para makaupo si Lancelot. "'Yon pa nga ang isa. Ayaw niya akong kausapin. Hindi ko alam kung bakit. Kung galit ba siya sa akin hindi ko naman alam kung anong ginawa ko para magalit siya sa akin. O kung hindi naman ay nalulungkot pa rin siya sa sinapit ng pamilya namin kaya ganon."

"Give her space for now then. Sa ngayon ako muna ang katuwang mo sa mga problema mo." Napailing ako.

"Hindi mo naman trabaho ang saluhin ako, Cassandra. Hindi kita kinaibigan para maging ganon."

"Shut up. Wala naman akong sinasabi ah! Hay nako, mamaya na nga tayo mag-usap. Sarap mong sabunutan na babae ka. Pupunta ako riyan mamaya para makapag-usap tayo ng mas klaro. Bye na. Nandito na yung boss ko." Nagmamadaling sabi nito.

"Okay. Bye. Take care."

Nang mamatay ang tawag ay dinaluhan ko na ang triplets sa duyan. Binili ko itong duyan sa online shopping dahil napanuod nila sa tv ang duyan. Tinanong nila ako kung ano raw ang pakiramdam ng nakasakay sa duyan kaya ibinili ko sila.

"Mommy, I want to sleep here." Sabi ni Lanaia sabay turo kay Landon at Lancelot na nakikisiksik sa duyan. Dapat talaga kapag ibinibili ng kahit ano ang mga 'to kailangan tig-iisa lagi.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now