CHAPTER 18: SUITOR

1.5K 40 0
                                    

Quebec's POV
"Taya!" Sabi ni Landon nang maabutan niya kami ni Lanaia habang tumatakbo.

Humagikgik naman si Lanaia at saka hinabol naman kaming tatlo. Naghahabulan kami rito sa maliit na garden para magpalipas oras at para na rin maexcercise sila kahit papaano. Hindi pa kasi sila pwedeng lumabas dahil tirik na tirik pa ang araw.

"Quebec, may nagdeliver. Pinabibigay daw sayo." Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang isang kasambahay na nasa pintuan papunta rito sa garden at may hawak na isang bouquet ng bulaklak.

Lumapit ako sa kanya. "Ha? Sino raw?"

Nagkibit-balikat ito. "Hindi sinabi nung nagdeliver saka walang pangalan na nakalagay sa card. Sorry kung pinakielaman ko. Naintriga lang naman ako. Habang ng hair mo te. Sana all may secret admirer!"

Natawa ako sa sinabi niya saka ko kinuha ang kulay pink na bouquet na naglalaman ng white roses. "Thank you. Nako maghintay ka lang. May lalaki rin na maiinlove sayo." Kantyaw ko naman sa kanya.

Natawa rin siya saka umalis na. Pagharap ko sa mga triplets ay nasa harapan ko na sila at mukhang balak din mang-intriga. "Is that yours mommy?" Si Landon ang unang nagtanong.

Tumango ako at hinaplos ang ulo niya. "I think so baby." Hinanap ko ang card na nasa bulaklak at binasa ko ang laman non.

Good morning sunshine. I hope that you'll love these white roses. Enjoy your day and take care.

Tama nga ang sinabi ng nag-abot sa akin na walang nakalagay kung kanino ito galing. "From whom?" Lanaia said abd she's trying to reach the flowers. "Can I smell it?" She added.

Natatawa ko namang inilapit sa ilong niya ang bulaklak. "Oh I thought roses smells good." Lalo akong natawa sa sinabi niya.

Maging sila Landon at Lancelot tuloy ay nakiamoy at sumangayon sa sinabi ni Lanaia. Ibinaba ko ang bulaklak sa pwede patungan para punasan ng pawis ang mga bata sa likod. Pagkatapos ko silang mapunasan ay pumasok na rin kami agad sa loob.

Nakasalubong namin si ma'am Sarah na may hawak na isang bote ng wine. "Narinig ko sa kasambahay na may nagbigay daw sayo ng bulaklak." Sabay tingin nito sa bouquet na hawak ko.

"Ah opo ma'am. Hindi ko nga rin po alam kung kanino galing. Wala naman po kasing nakalagay sa card na pangalan."

Tumango ito. "Ang bagal ni Xenon. Hindi niya alam na nauunahan na siya." Bulong nito habang nakatingin sa bulaklak na hawak ko. Mahina lang ito kaya akala niya ay hindi ko siya narinig.

Nginitian niya ako pagkatapos. "Sige lalagay ko na 'to sa wine collection ng asawa ko. Pasalubong ng kumpare niya sa kanya galing Amerika. Sigurado ako na mamaya pag-uwi non ay mas uunahin pa niyang inumin 'to kaysa kumain ng hapunan."

Tumango ako at dinala na ang mga bata sa kwarto para paliguan. Nang mapaliguan ko ang mga bata ay ibinaba ko na ulit sila para maglaro ulit sa sala naman.

"Mommy. My tooth is aching." Naiiyak na sabi ni Lancelot habang sapo-sapo ang pisngi kung saan masakit ang ngipin niya.

Nilapitan ko siya agad para tignan ang ngipin niya. "Come on. Brush your teeth. Mawawala 'yan kapag nagbrush ka ng teeth baby." Tumango ito at nagpakarga sa akin.

"Lanaia and Landon behave for awhile okay. I'll just help Lancelot to brush his teeth."

"Okay mommy." Landon answered while playing blocks.

Mabilis ko namang dinala si Lancelot sa lababo kung saan may sipilyo rin sila saka ko siya tinulungan. Pero pagkatapos magsipilyo ay masakit pa rin daw ang ngipin niya kaya pinuntahan na namin si ma'am Sarah. Umiiyak si Lancelot habang panay ang daing na masakit ang ngipin niya.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now