CHAPTER 25: GIVE UP

1.4K 45 1
                                    

Quebec's POV
"Mommy, konting tiis muna kasi kulang pa yung pampyansa ko sayo." Sabi ko sa kanya habang kumakain siya ng pagkain na dala ko.

Hindi na naman niya ako pinansin. Simula nung makulong siya ay hindi na niya ako kailanman kinausap pa. Pero kapag kausap naman niya ang abogado na kinuha ko para sa kanya ay salita naman siya ng salita.

Huminga ako ng malalim saka tinignan ang ibang preso na binisita rin ng mga mahal nila sa buhay. Halata na masaya sila na may bumisita sa kanila samantalang itong kaharap ko parang ayaw naman akong makita.

Kaya naman habang kumakain siya ay hindi ko na siya tinangka pang kausapin dahil wala naman patutunguhan at baka mainis pa ako. Pagkatapos niyang kumain ay iniwasan niya ang tingin ko.

"Look. If you're mad at me, tell me. Hindi yung bibigyan mo ako ng silent treatment. Hirap na hirap na ako mommy. Kaya pwede ba makisama ka naman?!" Asik ko sa kanya.

Tumingin siya sandali sa akin at nag-iwas na naman ng tingin. "Kung dahil sa bahay at mga gamit natin ang dahilan kaya hindi mo ako kinakausap, wala akong magagawa. Hindi mo mababago ang isip ko. Marami na akong buyer ng bahay at nauubos na rin lahat ng gamit sa loob kabebenta ko para lang makaipon ng pyansa para sayo."

Tumayo na ako at inayos ang sarili ko. "Aalis na ako. Hindi ko kayang tumagal na kausap ang pipi o bingi. Lalo na kung nagpapanggap lang."

Wala pa rin akong narinig sa kanya hanggang sa makalabas na ako ng tuluyan ng presinto. Sumakay ako sa kotse ko pagkatapos ay nagpunta ako sa isang tindahan na may tindang mga alak. Bumili ako ng dalawampung bote ng alak. Ayoko na. Suko na talaga ako sa buhay ko na 'to.

Pagkabili ko ay nilagay ko na ito sa kotse ko at nagmaneho na naman ako sa kung saan. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng pagmamaneho ko. Ayaw ng gumana ng utak ko ng maayos. Ganitong-ganito ako noong namatay si Qeena at Queenie. Sabi sa akin ni Cassandra depress daw ang tawag doon.

Sa tantya ko ay isang oras na rin akong nagmamaneho. Sinilip ko ang orasan sa cellphone ko at tama nga ang tantya ko. Ang mga buildings kasi ay nawala na at puro talahiban na lang ang nakikita ko. Hanggang sa nay madaanan akong signage. Nakasulat doon ang salitang Doña Samaniego. Familiar sa akin ang lugar na 'to dahil sa may mga naririnig na akong usapan na dito madalas may nangyayari na krimen dahil walang gaanong dumadaan dito.

Wala rin akong makita na mga bahay sa dinadaanan ko. Madamo, mapuno at madalang ang poste ng ilaw dito sa kalsadang tinatahak ko. Nang makakita ako ng maliit na parang kubo ay hininto ko roon ang sasakyan ko saka ako lumabas.

Malakas at sariwang simoy ng hangin ang bumulaga sa akin paglabas ko ng kotse ko. Hindi maituturing na kubo ang hinintuan ko dahil parang pinagtagpi-tagping dahon lang pala ito ng anahaw para maging bubong. Kumukuha rin ito ng suporta sa punong malaki na katabi lang nito.

Umupo ako sa damuhan pagkatapos. Dito pala ang magandang lugar para makapagrelax kahit saglit lang. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko. Pinagmasdan ko ang wallpaper ko na picture naming apat ng mga anak ko. Kamusta na kaya sila? Ang tagal ko na silang hindi nakikita. Ilang beses ko na ring sinubukan na silipin sila kahit pasimple sa bahay nila Xenon pero hindi ko sila masilayan.

"I love you mga anak ko. Miss na miss na kayo ni mommy." Mahinang sabi ko saka ko binuksan ang internet ng cellphone ko.

Medyo mahirap ang signal dito kaya mabagal ang internet. Tumingin ako sa mapa sa cellphone ko para malaman kung gaano na ako kalayo sa kabihasnan. Almost 30 minutes ang layo ko sa matao ng lugar dahil sa mga landmark na lumilitaw sa mapa.

Tumayo ako at binuksan ko ang kotse ko. Hinayaan ko na nakabukas ang pinto ng kotse ko para pumasok ang hangin sa loob habang umiinom ako ng alak. Ilang oras pa ang lumipas ay hindi ko na mabilang ang mga bote ng alak na nakakalat sa kotse ko. Hindi ko tuloy alam kung alin sa mga ito ang may laman pa o wala na.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon