2: The Baby Named Avie

24.6K 438 7
                                    

[DIANNE'S POV]

"Ma'am paki fill up-an lang po yung details nung baby niyo" the nurse in the reception area told me.

"No she's no---" the nurse attended to someone else kaya hindi ko natuloy

"not my baby" pagpapatuloy ko and kinuha yung form.

Lumayas ako sa counter. Kakaloka naman. Dahil siguro sa nakita nila kanina.

Anak ko daw? Pero ok narin naman, cute naman si Avie mana sakin.

Pero ano namang ilalagay ko sa form? Name lang nung bata yung alam ko.

Pinuntahan ko yung yaya nung bata sa waiting area.

"I need Avie's details."

The yaya took a small booklet from Avie's back pack and handed it to me.

I opened it. Baby book yun ni Avie at ibang records na written in german.

Wow bongga! So she was born in Germany. Sosyal mayaman si papang.

I can understand the medicines prescribed to her and kung para san.

Mostly para sa ubo, sipon, and lagnat.

May hindi lang ako ma-decipher.

May procedure na ginagawa kay Avie every three months.

It has something to do with blood and blood transfusions.

One is scheduled today.

Kaso walang mark yung paper.

So hindi nagawa sa kanya yung transfusion.

Baka kaya siya nag-faint.

AB yung blood type ni Avie nakita ko sa records niya.

That's the same as mine. Para ko talagang copy si Avie.

Sinulatan ko na yung form gamit yung information sa booklet.

Name: Avielle Marie Samaniego

Age: 3

Gender: Female

Mother: Anna C. Samaniego

Father: David Gregory Samaniego

Parang kakilala ko yung daddy ni Avie?

Hmm... It rings bells pero not loud enough for me to remember.

Pwede kasing same lang ng pangalan.

I gave the form to the reception desk, saka sila nagbigay ng form pa para sa pagbabayad ko sa cashier.

Tinawag ako nung doctor na nagha-handle kay Avie pumunta ako agad.

Mahimbing yung tulog ni Avie

He said mababa yung platelet count ni Avie.

Hindi siya nilalagnat at wala siyang rash para masabing dengue fever.

But she needs blood ngayon na. Wala silang mai-oofer na ka-match ng blood type ni Avie.

Rare naman kasi talaga. Parang ako.

"I can give her blood" sabi ko sa doctor.

I know the protocol. Pero since special case naman, they tested me immediately.

Kinuhanan ako ng blood as soon as ok na.

Nagstart na sila ng blood transfusion kay Avie.

I saw color comeback to Avie's lips.

Pati yung pale niyang skin naging pinkish white.

Mas lalo ko siyang naging kamukha noong bata ako.

Ang weird ng pakiramdam.

It's like meeting your 3 year-old self.

Avie moved then her eyes opened.

"Mommy..." lumapit ako

"What is it?"

"I want to go home" sabi ni Avie habang hawak yung kamay ko.

If only alam ko kung saan siya ihahatid.

"Hindi pa pwede eh, we'll have to wait for that to be empty pa" I pointed at the bag of my blood.

"Mommy di ba po we have that at home? Si daddy po saka the lady doctor yung naglalagay. Di po kasi kayo sumama samin ni daddy nung pumunta sa Philippines eh kaya di niyo pa po alam" sabi ni Avie

"Where did mommy go?" I got curious. Mahirap kasing magtanong sa bata kung patay na yung parent niya.

"Sa heaven daw po kayo pumunta sabi ni daddy, pero di ba po mommy babalik ka na? Di ka na aalis" she hugged my hand. It's like she's begging me to stay. Kaya lang hindi naman pwede na mag-promise ako nang hindi ko matutupad sa bata.

"Mommy alam niyo po si daddy kini-kiss po nung lady doctor. Sabi po niya sakin siya na daw po yung bago kong mommy kapag pumayag na si daddy" Avie looked upset.

"Ayaw mo ba dun sa lady doctor?" I asked.

"I don't like her. She'll steal daddy away. Tapos po pinapalo niya po ako" sumbong sakin ni Avie.

She tugged my arm. "Mommy sasama na po kayo sa bahay di ba? Sad po si daddy mula nung pumunta kayo sa heaven. Pati po ako sad din" so she knows death is a sad thing.

Nag-sad face si Avie. "Mommy lagi po kami ni daddy sad nung wala kayo. Balik na po kayo sa bahay para happy na ulit please?"

Awch this is hard. I can't just say 'yes' to a kid na naghahanap ng mommy niya na pumunta na ng heaven.

Hindi maganda yun. Kasi hindi ako ang mommy niya. Dapat habang maaga pa lang masabi ko na.

As I've said nga kanina, HINDI AKO PA-ASA.

Kahit naman sa mga 'relationships' ko which are basically flings lang.

I don't promise them anything. Alam nila yun beforehand.

Ayaw ko kasi na sinisisi ako sa sarili nilang katangahan.

I don't want to hurt this kid, pero I have to tell her the truth.

Na hindi ako ang mommy niya.

I took a deep breath. Mahirap yung sasabihin ko.

Hindi pwedeng uminom o maglasing yung audience para malimutan yung sasabihin ko.

Hindi niya basta basta matatanggap ng isang bagsakan kaya dapat careful ako with my words.

Sanay ako sa ganitong pagkakataon, kapag ayoko na sa fling ko.

Iinom lang naman yung lalaki tapos makakalimutan na niya ako.

Ang pinag-kaiba lang bata yung pagsasabihan ko ngayon.

Sana madala niya sa pag-inom ng gatas.

"Avie listen, mommy's---"

"Mommy's staying with us" may boses na galing sa likod ko.

Kilala ko yung boses na yun.

I know him so well five years ago.

Malaki ang atraso ko sa kanya.

I got him hurt so bad that he hated me.

I ruined him.

No, I destroyed him.

Just for my entertainment.

I felt cold.

"You're not gonna hurt Avie, Dianne. Not like you did to me" he said in a cold voice.

My Genetically Modified LoveWhere stories live. Discover now