43: It's All About Trust Part 2

11K 119 12
                                    

[DIANNE'S POV]

"Dave who is she? What's she doing here?" sabi ng isang matandang lalaki na nakaupo sa kanan ni Dave pagkapasok ko sa loob.

They're having a meeting at parang tensyonado at galit ang lahat sa loob. Nakakatakot ang tingin nila sakin. Lahat sila lalake sa loob, buhay pa yung powerpoint presentation sa likod ni Dave.

"Gentlemen I'd like you to meet my beautiful wife, Dr. Dianna Marie Costello-Samaniego." Patakbong lumapit sakin si Dave, sinenyasan niya yung assistant niya para magtuloy ng ginagawa niya kanina at inakay ako palabas ng conference.

"Beh bakit napasugod ka, is there something wrong? May nangyari ba sa mga bata?" he asked me while massaging the back of his neck.

I Iooked at his collars, wala namang sign ng lipstick, walang stain at plantsadong planstado. Paranoid?? Napahiya na nga kanina eh hahahaha

"Beh masakit?" Na-bother ako sa ginagawa niya.

"Mejo beh eh" I removed his hand. Masama kasing namamasahe ang leeg at batok.

"Beh hindi kaya highblood ka?" I asked him. Hindi ko siya ma-checheck dahil wala akong gamit. Nababantayan ko kasi yung food intake niya kapag dinner nalang, baka kasi kung ano ano nang kinakain niya kapag hindi ako nakatingin, pasaway pa naman siya. Malay ko ba kung umiinom siya ng mantika?

"I'm fine beh" Parang mainit ang ulo niya katulad nung mga lalaki sa loob kanina.

"Ay mainit ang ulo mo sir ah? Bakit ba? Anong meron sa loob?" Nakaloka naman kasi ang tensyon sa loob.

"It's just about projects ang shares beh" tipid parin ang sagot ni Dave.

"Galit na galit ka naman sir" I stroked his hair.

"Ayun lang ba ang pinunta mo beh? Kung mangti-trip ka lang pwede bang doon mo nalang sa bahay gawin beh" He massaged the back of his head again. Wow ha? Scary pala si sir kapag mainit ang ulo sa office. Nakakatuwa si Dave kapag ganito ang state niya. Marami na kasing takot na sa kanya kapag ganito. Hindi kasi ako takot kay Dave kapag galit siya, mas binabara ko pa siya kapag ganito. Mas takot ako kay Dave sa pagkakataong seryoso siya.

"Hindi po sir" I smiled at him.

"O e bakit ka pumunta dito?" Akala siguro ni Dave matatakot ako.

I pulled his tie ang kissed him.

"Excuse po Sir Dave, hinahanap na po kayo sa loob" sabi ng assistant niya.

"Beh mamaya ha?" I whispered. He nodded and fixed his tie. Pinanood ko lang siyang pumasok ulit sa conference room kasunod yung assistant siya. Sobrang stressful naman kasi ng mood niya sa office kaya siguro siya palaging pagod kapag umuwi na siya.

Alam ko na! Massage! Yon ang kailangan niya!

Bwahahaha! Mamaya ka sakin!

4 HOURS LATER...

"Beh I'm home" walang ganang sabi ni Dave nung nakapasok siya sa room namin. Pagod si Dave at malamang wala parin siya sa mood. As usual, nilalagay niya yung laman ng mga bulsa niya sa ibabaw ng cabinet pagkarating niya. He took off his pants after he made sure the pockets were empty. Sinabit niya yung pantalon sa isa sa mga hooks.

"Halika beh, i'll check your BP, baka kasi highblood ka" Ako maha-highblood nako sayo.

He sat on the bed at inalis yung polo niya. I placed the strap on his arm saka sinet up yung digital manometer ko along with my stet.

And I was right, mataas nga ang BP niya.

"Sir mejo mataas po ang BP natin, ano na po ba kasing nangyari sa kinakain at sa lifestyle?" I asked him habang inaalis yung strap.

"Beh pwede bang magreseta ka nalang ng gamot to fix it up?" he asked me.

"Wow sir ha? Hindi por que doctor ako bigay nalang ako ng bigay ng gamot na akala mo candy" Wow ha? Quick fix ang gusto?

"Beh aayusin ko nalang after ng mga gagawin ko, tambak lang talaga kasi yung gagawin ko, I can't get sick" sabi niya sakin.

"Then fix your lifestyle at kumain ng gulay" sabi ko.

"Beh para saan pa't may asawa akong maganda na magaling pang doctor kung hindi rin naman magagawan ng paraan?" Normally bibigay na ako sa mga ganyang banat, pero not this time.

"Beh, hindi nga pwede, magtino ka nalang sa diet mo at wag kang mashadong stressed. Ayusin mo nalang yun at maaayos yan" sabi ko habang inaayos sa case yung gamit ko.

Hindi na umimik si Dave, humiga nalang siya at nagkumot.

I stand by what I said, hindi ko siya bibigyan ng gamot. As much as possible kasi ayaw kong nagbibigay ng gamot kung kaya naman na baguhin nalang yung nakagawian.

"Sir? Sir galit ka po?" Lumapit ako sa kanya.

"No, I'm just tired." Inayos niya yung unan niya at dumapa.

I sat on his lower back. Napalingon tuloy siya. "I-mamassage kita sir, relax ka lang jan" sabi ko.

"Sige beh, thank you" he rested his head on his pillow. Naglagay ako ng baby oil sa hands ko at saka ko sinumulan yung shoulders niya. "Jan, sige pa beh" sabi niya.

Ang tigas ng muscles sa likod ni Dave. Nakakapagod and nakakaloka at the same time na masahiin siya. I leaned forward to whisper to his ear. "Baby, saan mo pa gustong magpamasahe?" I asked him. Sana naman na-gets niya.

"Beh?" Hindi kasi siya sumagot.

"Beh?" I asked again.

"Sa shoulders ka mag-concentrate beh, jan lang mejo masakit eh" sabi niya. Ayun! Akala ko tinulugan nanaman ako eh.

I stopped saglit to remove my dress and undies. Naman diba? This is it!

I ran my fingers through his hair. Nakaka relax din kasi yung ganung gesture, kahit sa scalp minasahe ko rin.

This is it! This is really is it!!!

Vampire na kung vampire pero gustong gusto ko talaga yung leeg ni Dave. Ewan ko ba kung bakit, masarap lang kasi siyang aswangin don hahaha. I kissed him there. Dahan dahan lang muna, I'll kill him later bwahahaha.

"Baby?" Nakapikit na siya nung tiningnan ko.

Anak ng?!!!!

Ang sarap niyang balian ng leeg!!! $#%@#$# talaga!

My Genetically Modified LoveWhere stories live. Discover now