17: Meet The Parents

19.9K 277 17
                                    

[DIANNE'S POV]

Parang alangan talaga si Dave sa balak kong gawin. Naiintindihan ko naman yun dahil may issue sa pagitan ni Dave at ng dad ko. Wala kasing tiwala yung dad ko noon kay Dave dahil mukha daw siyang lampa. Lumala pa yun dahil sa nakita ni dad. Nahuli kasi ni dad na sa room ko natulog si Dave pero that night wala naman kaming ginawang 'something' purely tulog lang talaga. Hahahaha siyempre hindi naman kami magpapahuli ng live na ginagawa namin 'yon'. Ginagawa lang namin 'yon' kapag kami lang sa bahay dahil out of the coutry ang parents ko.

Kabaliktaran naman ni mommy si dad. Si mommy kasi ay isang liberated na free spirit. Redundant ba? Hindi, ganyan lang talaga kalaya ang freedom of speech kay mommy at super open minded siya sa mga bagay bagay.

Mas malakas kasi ang pang intindi ni mommy dahil cool siya at gusto niyang kung meron kang bagay na iniisip, sabihin mo agad kesa magkaroon ng misunderstanding. 

Idol na idol ko ang mom ko. Dati naman botong boto si mom kay Dave at siya pa nga daw ang number 1 fan ng love team namin.

Alam kong na-depress din si mom when I broke up with Dave. Pero wala siyang sinabi at sa halip ay inintindi niya nalang at sinuportahan ako. Si mom pa nga ang nag-asikaso ng getaway hideout ko sa bahay nila Tita sa Laguna kung saan ako nag hybernate to think things over.

I love my parents so much and I want them to meet Avie so she can become a part of our family.

I went into Avie's room to check up on her.

"Baby? Ready ka na ba?" I asked Avie habang binibigay niya sa yaya niya yung mga toys na gusto niyang dalhin.

"Opo, mommy where are we going?" Avie looked at me as I kneel down on her.

"Baby you're gonna meet my mommy and daddy, I'm sure they'll love you" I told her.

Avie smiled ang hugged me. "Baby will love them too"

"Really baby? Thank you" I kissed Avie's head. "Baby pupuntahan ko lang si daddy ah? Ipalagay mo sa sa driver yung stuff mo sa car when he gets here.

"Owkie po" she smiled at me. I left her room at pumasok naman ako sa room ni Dave.

"Dianne, anong bang magandang isuot?" he asked me habang naka-towel lang.

"Naligo ka? Dapat hindi ka naligo para ang iisipin talaga nila galing tayo ng offices natin" sabi ko kay Dave at saka ako pumili ng polo niya. Inabot ko yun kasama ng pants na bagay sa polo na inabot ko.

"Di mo naman sinabi eh edi sana hindi ako---"

"Dave you'll be fine, kabadong kabado ka naman, hindi naman kumakain ng tao ang parents ko. And botong boto kaya sayo si mommy noon" sabi ko. But that didn't change the tension in him.

"It's not your mom I'm scared of, yung daddy mo, hindi kaya barilin ako nun? Sa pagkaka-alala ko galit yun sakin dahil sa pagkakahuli sakin sa kwarto mo noon" sabi ni Dave.

"Dave hayaan mo hindi ko hahayaang mawalan ng daddy si Avie" I smiled at him. Saka siya nag bihis. Sinuot ko nalang yung suot kong damit kanina.

We heard knocking on the door. "Mommy? Daddy? Ready na po si baby, aalis na po ba tayo?"

Avie came in and sat on the bed.

"Yes baby iniintay ko lang matapos mag-make up si daddy ang tagal kasi mag-ayos" patama ko kay Dave.

"Eto na, ok na" lumabas na si Dave.

"Ok na pala baby let's go" Dave pulled me.

"Wait you forgot this" he held my hand pagbitaw niya nakasuot na ulit sakin yung wedding ring at engagement ring.

My Genetically Modified LoveWhere stories live. Discover now