23: Si Mommy Kasi Eh!

19.9K 227 37
                                    

[DIANNE'S POV]

"Dianne dito mo nalang patulugin sina mommy" sabi ni Dave after namin magpaalam sa last batch ng guests. Parang mainit parin ang ulo niya sakin after ng away namin kanina.

"Dav-" lumayas na siya agad ng hindi man lang ako pinagsalita. Pinanood ko nalang siyang umakyat ng hagdan.

Hayz mamaya nalang si Dave aasikasuhin ko muna sina mommy ko.

"Mommy dito nalang po kayo matulog" sabi ko sa parents ko. Gabi na kasi at baka mahirapan pa sila kapag kasama pa nila si Avie.

"Thank you Dianna" Tinawag ko yung dalawang maid para magasikaso ng room nila mommy pero naunahan na pala ako ni Dave dahil naka-ayos na pala yung room nila. Sinabi nalang sakin na katabi ng room namin ni Dave yung room na gagamitin ng parents ko.

I knelt down to face Avie. "Baby halika na, wuwui na para maka-sleep ka na" binuhat ko si Avie at umakyat na kami papunta sa room ni Avie

"Dianna, ako nalang ang mag-aasikaso kay Avie, para makapag 'pahinga' na kayo ni Dave" Makahulugan ang banat ni mommy. Eto nanaman po tayo.

"Mom ok lang po hindi po nakakatulog si Avie kapag hindi ko siya babasahan ng story" palusot ko kay mom. Wala pa kasi akong enough powers para nakausap si Dave.

"Avie baby, pwede bang si mamu nalang muna ang mag read ng story?" Avie nodded. Napagod si Avie dahil sa kakulitan niya sa party.

"Ok na si Avie, sige na Dianna, pumunta ka na sa room niyo" makahulugan ang tingin sakin ni mom. Nakakaloka naman ang nanay ko! Kanina pa ah?! Hahahaha

Wala na akong nagawa kung hindi sumunod. Nakahiga sa bed si Dave at nanonood ng tv nung pagpasok ko. Prepared na siyang matulog, nakatshirt nalang kasi siya at boxers. I came in the bathroom para magprepare matulog.

Lokaloka man ako, marunong naman akong sumunod sa usapan. Alam kong wala akong dalang lingerie kaya matutulog akong walang damit. Hindi kaya sipunin naman ako niyan?? Hindi naman siguro dahil mataas naman ang resistensya ko.

Hindi manlang napukaw ang attention ni Dave paglabas ko ng bathroom busy kasi siya sa panonood ng tv. Pero ok lang din naman at least hindi ako macoconscious. Naka-robe pa naman kasi ako kaya wala pa naman siyang makikita hahaha

Itinaas ko yung blanket. Parang bago yung comforter namin and it's warm sa ilalim. Inalis ko na yung robe pagkahiga ko sa ilalim para nakasunod nga ako sa usapan namin.

"Dave bago yung comforter?" I asked him.

"Yeah bigay ng mommy mo" sabi ni Dave habang hindi parin inaalis yung mata niya sa panonood ng tv.

"Hoy! Makatingin ka naman jan?!" hindi naalis ang tingin ni Dave sa dancers na guest sa isang tv show.  

Maiikli ang damit nila at sumasayaw sila ng wagas.

"Bakit?" Parang naistorbo ko pa ata siya. Abat nang iinsulto ba? Wala akong kilalang immune sakin!!

"Sorry naman ha nahiya naman ako sayo naistorbo ka jan sa panonood mo" padabog akong tumagilid para tumalikod sa kanya.

"Uy nako nagalit na ang baby ko" I felt him hug me. "Baby sorry na" he sniffed my hair sa likod ko. "Ang bango bango mo naman" Then he laid soft kisses sa likod ko.

"Dave no" inalis ko yung yakap niya. Alam ko na yung balak niya.

"Wait, ano ba sa palagay mo yung balak ko?" nakakaloko yung ngiti ni Dave.

"Hindi ba gusto mo ng--" he cut me off

"Baby na-miss lang kita, yun lang yun" he smiled at me. "Sorry, I didn't mean to scare you or anything, sorry din nasigawan kita kanina, hindi ko lang talaga kontrolado ang sarili ko kapag nagseselos ako" sabi ni Dave.

My Genetically Modified LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon