53: It Takes Two to Tango

7.2K 69 9
                                    

[DIANNE'S POV]

Haay bentang benta talaga ang baby kong cute.

She'll be leading a recital tapos may wedding pang flower girl siya. Siyempre ganyan talaga dahil mana sa mommy. Joke! Hahaha

"Baby bye bye na daw" I asked Avie to wave dahil ihahatid na pauwi yung last batch ng friends niyang kasamang nagpractice sa bahay. 

Wala na sa mood si Avie dahil pagod na siya. After school naman kasi yung practice and nagkataon na walang available venue kaya pumayag akong i-volunteer yung bahay ni Dave.

Pero wow ha? May catering talaga siyang pinadala just for Avie's practice. Tapos halos yung staff na yung nag-asikaso ng lahat. Meron nga lang ilang basag na gamit dahil mga batang malilikot yung mga kasama. Pero parang ok lang naman ata kay Dave dahil ngiting ngiti pa siya pagkarating niya.

Natuwa siguro dahil anjan ang parents niya.

And may bisita pa kaming special someone sa family nila. Nakakaloka yung situation ko, hindi na naman ako dapat involved pero eto at pinaparinggan ako ng mama ni Dave at iniisip ni Margarette na threat siya sakin dahil siya yung gusto ng mama ni Dave. Haay... Tanggap mode nalang kasi hindi naman magkakaganyan yung mama ni Dave kung hindi ako tumakbo sa kasal namin dati, and sa case naman ni Margarette bahala nalang siya, isipin niya ang gusto niyang isipin.

Kung tutuusin natatawa pa nga ako kay Margarette. Ang weird niya kasi. Ini-expect niya sigurong magseselos ako. Pero kahit naman noon, hindi ako na-threaten dahil malaki ang tiwala ko kay Dave bukod sa kwentong hindi siya type ni Dave mula pa noon dahil sa mashado siyang trying hard at nagmamaganda.

Ok naman siya eh, hindi naman siya panget, makinis naman at sabihin nalang nating malapit na niyang maabot niya yung 1/4 or 25% ng kagandahan ko kung hindi lang sana siya feelingera at inaakala niyang lahat ng lalaki type siya.

Pero infairness to her ah? Pumuti siya hahaha baka tumalab na sa kanya yung mga buwis buhay niyang efforts. Hindi naman kasi mahirap pumuti, kung ano ano pa kasing ginawa niyang mga methods para lang dun. 

Maganda naman kasi ang morena, makinis tingnan. Hmmm... makapagpa-tan kaya? Wahaha next time magbe-beach ako..... Or isasama ko sina Avie at Jayjay.

Nanay na nga pala ako ngayon kaya hindi na pwede yung mga usual 'kalandian' ko. Hahahaha goodbye super gala days, graduate na ako sa iyo. Don't get the wrong idea, I love my babies, sila na ang bagong love ko ngayon, ewan ko nga lang don sa tatay ng babies ko, pero basta, kung kami talaga edi kami talaga. Pero hindi ko muna siya pag-aaksayahan ng panahon tutal wala pa naman akong nababalitaang 'manliligaw' nanaman siya. Slow... hahaha

Avie yawned. "Baby gusto mo na bang magsleep?" Avie nodded. Nakasandal nalang sakin si Avie habang buhat ko siya. "Awww.. baby sandali nalang ha? I'll take you upstairs na para makapagbihis ka na tapos matutulog na tayo" Kay Avie nalang siguro muna ako matutulog. May germs pa si Dave nung babaeng feelingera kaya wala akong balak matulog katabi niya. Avie's tired at may sumpong kaya walang inspector kung saan man ako matutulog ngayon bwahahaha

We went upstairs. Sa room muna na ginagamit ng parents ko matutulog sina papa dahil si Margarette doon sa usual room nila. I smiled and waved at Margarette pa noong dumaan kami ni Avie sa open door ng room niya. Nag-aayos pa siya ng damit niya. May balak kaya siyang mag-stay ng matagal? Wow ha? Ang dami kasi ng damit na dala niya. Baka naman balak niya nang dito tumira?

Wahahaha wala na nga pala akong karapatan at 'say' when it comes to matters sa bahay ni Dave. Hindi na kasi ako yung nagmamanage ng bahay. Parang boss nalang ako dahil loyal sakin yung mga staff.  

I gave Avie her warm bath then binihisan ko after niyang maligo. Nakatulog naman agad si Avie dahil sa pagod. Sa kabilang room naman sana yung bibisitahin ko to see if Jayjay's ok, pero hindi nako tumuloy dahil nandoon naman yung mama ni Dave at siya na yung nagpatulog kay Jayjay.

My Genetically Modified LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon